meron nga pala kaming experience sa ganyan, nung umuupa pa kami sa proj 8. duplex yung bahay at yung kahating-bahay namin e mahilig sa party. at iyong bahay pa na iyon e kakaloka ang pagka-duplex nya. yung salas ng kabila ay nasa ibaba ng room namin. anyway minsan, 8 months na ang tyan ni misis at may party sila. e di 2am na e hindi pa makatulog si buntis. ginawa e kumuha ng martilyo at binayo ang floor. lalo pang umingay, nagpapalakpakan pa pag binabayo ni buntis ang floor. ginawa ng misis ko kinuha ang m16, lumabas, at nag-door bell. labas sila, kita si kumander buntis na maghuhurementado na. sabi ni kumander, "kahoy lang ang floor, tagos ito". ayun uwian na. di na din umulit mula nuon. kung yung first 3 months namin dun e every week party sila e yung last 9 months naman e sus kay tahimik ng bahay nyahahahaha!
wala po ako sa bahay nun, nasa work.
