New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 9 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 86
  1. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,105
    #1
    Ako po ay may 3 kapitbahay. Yung 2 medyo malayo pero naka videoke at both ends of the street!

    tapos yung katapat naming compound ang iingay din.

    What can I do here? I'm planning to bomb them with teargas na e.

    Ang peaceful solution, sell the land, we can sell the land here in QC then move to province which can buy us more than 20 hectares of land. Kaso ayaw ng nanay ko kasi pamana ito ng nanay nya na lola ko.

    dati, just for fun, binabato ko ng big rocks yung bahay ng maaiingay tapos tumitigil na sila.

    Kaso im too old for that stunt na (i'm 28).

    This is not to say na di rin kami nagkakantahan, we do but we use a multi-channel home theater (free lang sa sony bravia) kaya di lumalabas yung ingay sa house and malaki compound so bago maingayan yung kapitbahay e masakit na tenga namen kaya mahina lang. Eh sila parang buong baranggay gusto mabingi eh.

    We tried calling the baranggay and police, tatahimik sandali kaso after some minutes after the authorities have left, maingay na naman.

    I'm running out of ideas here. Kamag-anak ko kasi kaya medyo complicated.

  2. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    24
    #2
    Bigyan mo ng champorado... maraming champorado.. Instead na asukal ilagay mo, Duphalac.. ung laxative.. mga ilang bottles gamitin mo. matamis un kaya d halata.. medyo mahal lng isang bote pero effective talaga..

    Sigurao tatahimik sila kahit isang araw lng... lahat ng kakain sa banyo mamamalagi... hehehe.. walang ingay d ba!

  3. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,105
    #3
    Hehehe, gusto ko sana yung long-term solution but thanks for the idea...

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #4
    demanda mo bro....
    di ko nga lang alam kung ano pwede ikaso.

  5. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,755
    #5
    May maingay din kami na neighbor dati, ang lakas manood ng DVD! Sa sobrang lakas, alam ko na kung ano ang pinapanood nila (like Little Mermaid and Gladiator). Nakakapikon talaga yan, dati nga I fantasize na meron akong laser gun at papasabugin ko ang TV nila (kita kasi at an angle from my window). I almost called the Village guard at one point kasi di na talaga ako makapag-aral from the noise. Pinigilan lang ako ng Mommy ko and I ended up not studying na lang.

    Everyday ba sila maingay? Kung week-ends lang, try mo na lang na pasensiyahan hanggang kaya. Baka naman biglang magsawa or mag decide sila na lumipat ng bahay? Or hintayin mo na ibang neighbors and magreklamo. hehe. Mahirap na rin kasing magkatampuhan with relatives.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #6
    bili ka ng directional speakers, yung gaya ng ganito o>>> http://www.holosonics.com/index.html


    tapos mag-record ka ng sounds na nakakatakot. like sound ng nag-spark na electric wires, ng glass na nababasag, scratching sa blackboard, or better yet sound ng multo (awooooooh), asong umuungol, babaing umiiyak, baby na umiiyak, kumakantang babae na biglang tatawa na parang baliw, nagma-march na sundalo, naglalakad na merong kadena sa paa, etc etc. get the picture? tapos syempre set up mo yung speakers na hindi nila nakikita, like sa puno na madahon, o kaya ilabas mo lang pag gabi na wala nakakita sa iyo. takutin mo sila, na para bang haunted na yung bahay nila. biro mo, with directional speakers, kala nila yung sound e sa tabi lang nila at hindi galing sa bahay nyo. awoooooh!

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    457
    #7
    our village used to be a very quiet place until the kids from hell arrived who happen to be our immediate neighbor. sa araw-araw na ginawa ng demonyo, walang paltos na magpatugtog ng kung ewan ang mga linshok na kapitbahay namin. pag madaling araw naman nagpapraktis ng drums at electric guitar nila ng tropa nya.

    kanina umaga di nako nakatiis and went out for a showdown. pero tinawagan ko muna ung village guard para may back-up ako hehehe. kinatok namin ang gate nila for about 15 minutes, sa sobrang lakas nila magpatugtog di kami marinig sa labas.

    lumabas yung maid nila na mukang naglalaba that time at nakasimangot pa sa amin ng guard at tinanong kami kung ano daw kailangan namin. the nerve! the scene went this way:

    maid: "ano yon? ano kailangan nyo???"
    xoom: "pwede pakihinaan naman yung stereo nyo?"
    eksakto lumabas yung teen-ager na anak ng demonyo with matching tattoos ang body piercings
    xoom: "hoy pogi, lika nga dito!"
    kup*l: "bakit ho?" (aba, at marunong palang mag-po ang hayup)
    xoom: "hinaan mo naman yang sounds mo! may luga ka ba at di mo marinig yang stereo mo?"
    kup*l: (akala ko papalag eh) "pasensya na po"
    xoom: "nakakabulahaw na kayo eh, hanggang madaling araw nagbabangayan kayo dyan. sinabihan ko na yung kasama mo dati, di pa rin kayo tumitigil!"
    kup*l: "di po sinabi sa akin eh" (ampotahng dahilan yan)
    xoom: "kung gusto mong mag sound trip, mag headphones ka na lang!"
    kup*l: "pasensya po talaga,sir"
    xoom: "sa susunod, pasensyahan tayo ha..."

    sabay alis na kami nung guard, tatawa-tawa pa yung guard sa akin hehehe

    kung bakit kase naunahan pa si maja salvador na mabili yung bahay sa harap namin eh

  8. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,105
    #8
    Yebo, that seems to be a good idea. Kaso wala pa ata nyan dito at mukhang mahal (basing on the caliber of their clients)... but thanks for the headsup. meron na palang ganyan :naughty2:

    At least it's a working device compared to my fantasies of Voltage overload generator over electrical local area network. I see it as a way to secretly blow up the equipment of your neighbors using existing LAN over powerline technology. hehe

  9. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    195
    #9
    walang long term solution dyan na di ka dadaan sa pakikipag basagan ng ulo sa mga kapitbahay mo. try mo kaya everytime may videoke o ano mang kaguluhan sa kanila eh tumawag ka bilang isang anonymous (tama ba spelling?) sa 117 at mag report ka ng isang drug trade sa lugar nyo tignan lang natin kung di madala mga yan. tingin ko naman na they can get the message out of it

  10. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    1,743
    #10
    naku yan di problema ko. kaso mababait kapitbahay ko kaya di ko masaway. maiingay lang talaga sila. kaya ginagawa ko gumaganti na lang ako ng ingay.

Page 1 of 9 12345 ... LastLast
What to do with noisy neighbors?