Results 1 to 10 of 16
-
January 21st, 2011 08:51 AM #1
Toyota Hiace, 1999-2000 model, color Cyan. plate number WAZ 798
Kanina lang nakakainis kasi ito nung nasa Makati Avenue kami, yung pagbaba ng tulay. Busina ng busina ng busina sa likod ko, eh sa traffic kahit ako hindi naman talaga makakaabante, gustong-gusto humabol sa green light. Parang sira ulo kung bumusina samantalang nakikita na ngang usad pagong lang talaga ang trapiko. hindi na ako kailangan businahan dahil I drive literally fast.
nung medyo nakaluwag ito pa ang ikinainis ko, akala ko sobrang nagmamadali aba kung magpatakbo pala eh napakabagal ng kumag. sa sobrang inis ko binagalan ko at hinintay ko at pumunta sa likod niya sabay busina rin ng todo, medyo umiwas na rin siya nung naaninag siguro yung ID na nakasabit sa rear view mirror ko. dahil nga sa bagal magpatakbo, nauna na ako sa kanya.
ang angas angas pa na naka-open windows, yung itsura niya yung tipong mga goon type na mahilig magsugal ganun. honking your horn madly is just like saying bad words in an automotive's way. sana kung businahan niya ako dahil ako ang nagpatraffic eh hindi naman. masira sana busina mo!
-
January 21st, 2011 09:00 AM #2
Dami talaga ganyan tao sir. Ingat din dahil karamihan ng maangas armado.
-
January 21st, 2011 09:05 AM #3
Bro.,- maaaring ikaw ang nasa unahan niya,- pero baka ang intensiyon niya ay businahan ang mga nasa unahan ninyo sa bilisan ng kaunti sa intersection... Pero nga, hindi dapat dire-diretso ang busina,- para bang calling the attention lang....
Marami kasing mabagal ang takbo ng sasakyan sa unahan and then, sa last second ay bibilisan (beating the red light pa nga), kaya ang pobreng nasa likod nila,- naghihintay ng next cycle ng traffic light para maka-cross ng intersection... Marami akong nakakasabay na ganito....
12K:boom:
-
January 21st, 2011 09:45 AM #4
yup pwedeng ganun, pero dapat hindi tuloy-tuloy ang busina. kaso ayun nga, tapos ang bagal lang pala magmaneho nung nakaluwag na sana kung nagmamadali talaga, medyo nakakasira ng araw lang eh hehe.
anyway, only in the philippines ika nga.
-
January 21st, 2011 10:05 AM #5
[SIZE=2][SIZE=2]Curious lang. Ano yung ID na nakasabit sa rear view mirror mo?
[/SIZE][/SIZE]
-
January 21st, 2011 12:58 PM #6
*TS
Marami talagang mga Horny Drivers... puro horn lang ang alam gawin sa auto nila! :laughbounce:
pinagpala po kayo sapagkat may disiplina kayo sa daan.
-
-
January 26th, 2011 09:17 AM #8
-
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- May 2009
- Posts
- 23
January 26th, 2011 03:54 PM #10Baka naman may LBM yung driver... pero hindi makapag maneho ng mabilis.
Babala! Sarado at Ginagawa mga south bound flyovers along c5. Medyo mabagal Ang daloy kanina Ng...
Traffic!