Toyota Hiace, 1999-2000 model, color Cyan. plate number WAZ 798
Kanina lang nakakainis kasi ito nung nasa Makati Avenue kami, yung pagbaba ng tulay. Busina ng busina ng busina sa likod ko, eh sa traffic kahit ako hindi naman talaga makakaabante, gustong-gusto humabol sa green light. Parang sira ulo kung bumusina samantalang nakikita na ngang usad pagong lang talaga ang trapiko. hindi na ako kailangan businahan dahil I drive literally fast.
nung medyo nakaluwag ito pa ang ikinainis ko, akala ko sobrang nagmamadali aba kung magpatakbo pala eh napakabagal ng kumag. sa sobrang inis ko binagalan ko at hinintay ko at pumunta sa likod niya sabay busina rin ng todo, medyo umiwas na rin siya nung naaninag siguro yung ID na nakasabit sa rear view mirror ko. dahil nga sa bagal magpatakbo, nauna na ako sa kanya.
ang angas angas pa na naka-open windows, yung itsura niya yung tipong mga goon type na mahilig magsugal ganun. honking your horn madly is just like saying bad words in an automotive's way. sana kung businahan niya ako dahil ako ang nagpatraffic eh hindi naman. masira sana busina mo!![]()



Reply With Quote

