New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 30

Hybrid View

  1. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,632
    #1
    WARNING: mag-ingat kayo sa pagtanggap ng pera.. nalusutan ako ng 2 piraso na tig-1,000.. nalaman ko lang nung ideposit ko kanina at sinabi na fake yung 2,000...

    sabi ng bank, orig yung money, pati papel at printed ito by central bank.. ang problema lang ay specimen lang ito at di kasama sa circulation.. malamang daw, tiga bangko din nagpalusot nito pero binura lang yung naka-stamp na "SPECIMEN" at ang serial number ay "RM 000000".. yung 2 zero sa serial number ay ginawang 9..

    pag mamalasin ka nga naman... magpapasko pa naman... ayoko naman gastahin at kawawa naman makakakuha nun.. ingat na lang...



    ***
    Sorry Mods.. mali yata post ko dito.. pakilipat na lang kung di pwede sa goon squad ito.. thanks..
    Last edited by Elroi; December 17th, 2005 at 07:09 AM.

  2. Join Date
    Jan 2003
    Posts
    657
    #2
    nung namili kami sa tutuban, may pinangsukli sa akin 20 pesos na walang print ang likod, tinupi nila para di mahalata, orig din ang papel na ginamit

  3. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    4,313
    #3
    May criminal liability ka ba if you are in possession of fake bills?

  4. Join Date
    Jun 2004
    Posts
    1,311
    #4
    dapat palitan ng central bank ng legal tender yan, kasalanan nila kung bakit umabot sa circulation yan... lack of security on their part...

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #5
    Quote Originally Posted by chris_d
    dapat palitan ng central bank ng legal tender yan, kasalanan nila kung bakit umabot sa circulation yan... lack of security on their part...
    tama! nung nagkaroon ako nang fake money na 500 na dalawa nagpunta ako central market pinalitan naman nila.

  6. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,632
    #6
    Quote Originally Posted by CLAVEL3699
    tama! nung nagkaroon ako nang fake money na 500 na dalawa nagpunta ako central market pinalitan naman nila.
    central market ba sir or central bank.. punta lang ba ako dun tapos palitan na nila agad or may process pa..

    Quote Originally Posted by finchy18
    buti hindi mo ginamit sir ang bait mo naman
    yes, madali lang palusutin kung gusto ko dahil di naman halata na specimen sya but kawawa din kasi makakakuha.. baka mas nangangailangan sakin yun..

    sana nga, pwede palitan to ng central bank dahil sa kanila din naman nanggaling mga bills na ito... sayang din kasi 2,000.. magtutuwad man ako maghapon, wala ako mapupulot nito...

    makisuyo naman... pakiconfirm na lang sa may kakilala na tiga central bank kung pwede palitan... malayo kasi location ko kung puntahan ko tapos di pala pwede..

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    7,495
    #7
    Quote Originally Posted by raikonen
    central market ba sir or central bank.. punta lang ba ako dun tapos palitan na nila agad or may process pa..

    .
    central bank pala. hehehehe mali yung type ko. hehehehe

    may process sya bro... madami din tanong tungkol syo kung capable kaba gumawa nang milagro.

  8. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    3,774
    #8
    pwede ata palitan yung 1000 bill na yun sa central bank. afaik legal tender ito... yung specimen nga na ganyan, binibili talaga sa central bank. yung uncut. price is the actual value kaya tingin ko pwede yan... pero come to think of it, kung specimen nga talaga yan, dpaat may nakatatak na pa-diagonal na "specimen"

  9. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,632
    #9
    yes, meron daw nakatatak na "SPECIMEN" kaya lang binura.. if you'll notice the picture, medyo bura yung sa tapat ng mukha.. pati sa likod ay parang binura din.. gusto nga i-confiscate ng bank kaya lang sinabi ko na ibabalik ko sa nagbayad.. but sad to say, di ko na matatandaan kung kanino galing..

    panregalo ko na sana sa mga inaanak ito ah..

  10. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    3,153
    #10
    im not sure but you are not liable if you are holding a fake bills pero me certain amount lang if exceeding that you are held for further question upon possesion of large amount of counterfeits...

    naisip ko lang bakit pera kung sakali man kelanagn huliin, e bakit yun mga fake goods sa greenhills at divisoria di nila huliin...actually fake merchamdize di nila huliin, dami din nun a

Page 1 of 3 123 LastLast
Warning: Fake 1,000 peso bill