Results 1 to 10 of 25
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2008
- Posts
- 11
September 27th, 2008 04:45 PM #1Mga Tsikoteers,
Sinita ako ng mga makati cops( basta yung naka-dilaw ) sa ilalim ng Guadalupe Bridge. Ang dahilan, meron kasing takip na very slightly tinted plastic yung license plate ko. Kesyo city ordinance daw na dapat visible ang license plate ng kotse. Obvious naman lagay lang ang gusto nila, dahil nakipagtalo talaga ako doon sa pulis. Sinabi ko bakit yung mga jeepney( maraming dumadaan nun ) na halos di na mabasa yung license plate hindi nila hinuhuli, tapos private car sinisita nila.
Nagdahilan pa ang mokong. Kesyo kapag gabi daw hindi na makita ang plaka ko( tanghaling tapat nun ). Sabi ko bihira lang ako dumaan sa Makati( totoo naman ) at hindi naman gabi kaya huwag nila idahilan na hindi makita kapag gabi na.
Ang tanong ko lalo na sa mga taga Makati, totoo ba ang city ordinance na ito na bawal takpan ng slightly tinted plastic yung license plate? Yun kasi ang pinipilit nung pulis, pero nung nakita niya na wala siyang mapapala sa akin, meaning kahit piso di talaga ako maglalagay dahil wala naman akong ginawang mali, pinaalis na rin niya ako.
Ang alam ko kasing ibig sabihin ng visible yung maayos na nababasa yung plate mo, hindi halos burado na o marumi o madilim talaga yung takip.
Pero kung magiging abala tatanggalin ko na lang itong plastic na takip.
Please advise, mga tsikoteers.
-
September 27th, 2008 05:11 PM #2
Visible means readable at a certain distance. Slightly colored plate glass cover reduces the distance of visibility and there are some perspective that it could'nt be read because of light reflection from the sun or headlamps.
:beer: [SIZE="1"]3725[/SIZE]
-
September 27th, 2008 05:21 PM #3
what's the point nga ba sa pag lagay ng tinted glass or tinted plastic sa license plate?
---
What is "visible"?
a "visible" license plate is a license plate that witnesses or victims can read clearly when there's hit and run.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2008
- Posts
- 11
September 27th, 2008 05:41 PM #4My license plate is readable from a reasonable distance. I know this because if my designated driver comes to pick me up sometimes I immediately look at the license plate from a distance. My car is a very common model you see.
Saka kaya naman ako naasar talaga kasi yung mga jeepney na talagang burado na yung plaka eh hindi man lang sinisita, tapos ako na private car simpleng plastic lang sinisita niya, eh obvious naman na naghihingi lang ng lagay.
So anyway, alisin ko na lang?
-
September 27th, 2008 06:00 PM #5
what do u expect from simple-minded traffic enforcers?
Kung ang utos sa kanila ay huliin ang mga cars na may tinted glass/plastic sa plaka, yan lang ang gagawin nila.
Kahit dumaan sa harapan nila ang isang PUJ na faded ang plaka, di nila huhuliin yan. Hindi naman yan ang utos sa kanila e.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2008
- Posts
- 11
September 27th, 2008 06:44 PM #6
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2008
- Posts
- 11
September 27th, 2008 06:46 PM #7
-
September 27th, 2008 06:51 PM #8
matagal na pong bawal ang tinted plate cover, kahit konting tint lang and hinde lang sa MAkati bawal..
-
September 27th, 2008 08:19 PM #9
Sir natawa po ako dito ah. mali po ang line of reasoning ninyo.
Siguro pinalusot na lang kayo pero hindi po natin masasabing kotong lang ang habol kasi may violation talaga kayo. visible and readable dapat ang plates natin kaya mas mabuti po siguro tanggalin niyo na lang iyung tinted cover para next time wala ng hassle.
-
September 27th, 2008 08:40 PM #10
bawal lahat ang plate number covers na may kulay sa makati. dapat clear, and as in very clear. ang alam ko, may city ordinance talaga sila dun.
Anong Chinese brand na ba ang available sa market? Yung Leoch brand may nakita na ko post sa FB....
Cheaper brands than Motolite but reliable as well