good day mga tsikoteers! tulong naman, hindi na namin alam kung ano ang gagawin....

i think may thread na about this pero hindi ko mahanap...

yung isang kapitbahay namin simula 11:00AM - 1:00AM halos araw araw for 6 months na yata walang pakialam sa mga kapitbahay. ayos lang sana kung mahina pero todo todo ang volume!

ilang beses na namin kinausap ng maayos na kung pwede hinaan naman at huwag naman sana abutin ng hating gabi.. hihinaan mga 3minutes tapos itotodo nanaman! minsan pag lasing na sila titingin pa samin at magtatawanan! *#%$! sinabihan pa kami na doon kayo sa bundok kung ayaw niyo ng maingay! pamamahay namin to kaya gagawin namin kung ano gusto namin!

nilapit na namin sa mga baranggay pero di kami pinapansin dahil PAROKYANO sila!

5 na bahay ang apektado nito, kami lang ang pinapalapit dahil kami lang ang may lakas ng loob..

itinawag na din namin sila sa police pag inaabot ng hating gabi, titigil lang sandali tapos ayan nanaman. MGA PAROKYANO din kasi! *#$$%!

inilapit na din namin sa kapitan wala din nangyari...

minsan muntik na kami mag abot dahil puro lasing na sila kung ano ano na ang sinasabi...ayoko sana umabot sa matinding gulo pero talagang wala silang pakialam!

sa munisipyo na ba ang next step?

dati naman ang problema sa kanila bubusina ng todo pag dumadating sila ng hating gabi.. muntik na sila magkabarilan nung isang kapitbahay namin... sayang hindi nagkatuluyan!