Mali ang driver na yan. Pero I would also think partly may mali din mga pedestrian na yan kasi kung go naman nga yung stoplight eh, bakit din sila tumatawid pa din... Ako din inis na inis sa mga pedestrian na ganon na pilit pa din tumawid kahit na don't cross na ang pedestrian light at go signal na ang mga kotse. Isipin din dapat ng mga pedestrian na yan na tayong mga nakakotse eh naghintay din naman ng tama para sa go signal ng traffic light dapat din naman sila matuto maghintay ng tamang panahon para tumawid. Isa pang kinaiinisan ko sa mga pedestrian yung mga tumatawid wala sa zebra crossing... kaya nga may zebra crossing para sa pedestrian eh yung mga iba gustong tumawid 10 to 20 meters before or even after ng mga zebra crossing.
In my opinion lang, mukhang pare-pareho silang mga mali, yung driver at yung mga pedestrian. Para din sa ating lahat, dapat din sumunod tayo sa traffic lights pag nasa manibela tayo at sumunod din tayo sa tamang pagtawid ng mga kalye kapag hindi tayo nasa manibela. Walang mangyayari sa pinas kung karamihan sa atin di marunong sumunod sa tama...