New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 54
  1. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    186
    #1
    Honda Civic Vti silver
    Plate # UUV 101
    with nice mags and big (racing) muffler

    Alam ko maganda pagka setup ng kotse mo, pero yung style ng pag drive mo, yun ang hindi ko magandahan (kaya nandito ka na sa Goon Squad!)

    Aug 28, 8.30pm ... kalalabas ko pa lang ng parking lot. Siyempre di ko hinahataw kasi malamig pa ang engine. Nung nasa dela rosa street na ako turning right to Paseo de Roxas st, bigla kang lumitaw sa likod na naka signal din to turn right, tapos nag flash pa ng lights ... naka signal din naman ako to turn right, pero may mabagal na taxi sa harap. In this case, di kita pinansin.

    Nung umabot na ako sa stoplight ng Paseo de Roxas at Ayala Ave, nasa left lane ako (para mag turn left pag nag green). Ikaw nasa likod ko. Also in this case, di kita pinansin.

    Pero nung after mag green light na at nasa Ayala ave na ako (going to RCBC). Ikaw, biglang humarurot (60 to 80 kph, ako going 40) at nag overtake sa kanan ko (nasa leftmost lane ako kc kagagaling ko lang ng left turn). Kahit sino around the 50 meter radius maririnig ang lakas ng muffler mo.

    Kaya ako tumakbo lang ng 40 kph ay dahil marami akong nakitang pedestrian na tumatawid sa Ayala avenue (tapat ng Prudential, now BPI-owned building). Muntik na ma-sideswipe ang tatlong pedestian na tumatawad dahil sa bilis ng patakbo mo! Buti na lang kumaripas ng takbo yng mga pedestrian, kung hindi, siguradong mahahagip mo sila!

    Nagtataka lang ako sa iyo kung bakit kailangan mong magpabilis (o mag-ingay), gusto mo lang ata magpakitang gilas! dapat ikulong yang sasakyan mo sa BRC o sa Subic para walang iba na madidisgrasya sa kalokohan mo.

    Around 8.45pm, nag left turn ka na after nung fire station. Di na kita sinundan, dahil nakuha ko na plate # mo.

    Sa susunod, drive responsibly kaibigan!

  2. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    605
    #2
    nice fafs, buti di mo na pinatulan..may right place for racing, baka sabik un at kakabit lang ng muff niya...heheh..


    sa owner ng oto, eto sa u...

  3. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #3
    Baka ngayon lang nagka-kotse kaya nagpapakitang gilas.

  4. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    7,970
    #4
    buti walang nahagip kung nagkataon pagpapawisan ng malamig yan

  5. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    732
    #5
    ginawang race track ang lansangan

    isa na namang iresponsableng motorista

  6. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    725
    #6
    Quote Originally Posted by team_PONGLAI_11 View Post
    ginawang race track ang lansangan

    isa na namang iresponsableng motorista
    another asshole in our streets... you'll get your karma.

  7. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    105
    #7
    hulaan ko , malamang ganito hitsura ng driver nyan.

    Bagets na skin head , tapos naka-shades kahit madilim , tapos naka-recline yung seat nya then malakas at bumabayo sounds nyan.

    Usually ganyan profile nung mga barubang magmaneho tapos ganyan set-up ng car. And usually itinakbo lang nila yung kotse ng kuya or tatay nila tapos nagmamadali yang umuwi dahil mauubos na gasolina nila at kailangan pa nilang humingi sa tatay nila.

    Or big deal na sa kanila yung makapagneho ng kotse kaya feeling great sila.

    How pathetic

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,716
    #8
    sana yang pag over-overtake nya ng alanganin eh sumalpok sya sa naka park na dump truck

  9. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    65
    #9
    Mga sir, let me share you a story 10 years ago, My Box type lancer (GSR1800) is fully setup lakas ng tambutso na parang jeep na malaguena, pinaki alalaman ng kamag anak ko na nag maneho ng lasing (Carnap ba tawag dun!), binangga yung poste ng Meralco at total wreck yung Sasakyan buti walang namatay, na damage yung poste ng meralco at dahil sa akin nga yung car pinabayaran pa sa akin ng meralco yung damage sa poste nila worth 40k. Laking sakit ng ulo puro paki usap at tawad ang ginawa ko para ma settle yung atraso sa Meralco meanwhile yung car eh naka tpl lang kaya wala akong narecover sa insurance pati engine sabog!


    bottom line.
    UUV 101 driver paki soli mo na yang sasakyan sa may ari kawawa naman pag nadamay !

  10. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    105
    #10
    Quote Originally Posted by artpogi View Post
    sana yang pag over-overtake nya ng alanganin eh sumalpok sya sa naka park na dump truck
    bago pa madamay tayo as well as our loved ones, dapat sa mga taong ganito eh tamaan ng kidlat and matigok na.

    I cannot imagine kung anong gagawin ko sa ganitong driver kapag isa sa pamilya ko nasagi nya.

    Anong ipakukulong??? Ikukulong ko sya sa ataul or kung gusto nya sagasaan ko rin kapatid or anak nya.

    Brutal ko no? People like this are menace to the society.They deserve this

Page 1 of 6 12345 ... LastLast
UUV 101 - be responsible!