Quote Originally Posted by glenn_duke View Post
Kay Sen. Recto yata na batas yan. Marami siguro syang botanteng tricycle driver.

BTT: Dapat i-stop muna ng PNR yung mga biyaheng bicol nila hanggang malagyan ng warning lights lahat ng RR crossing nila. Kahit sila may right of way kung defective yung mga warning system nila, dapat lang na makulong pati yung mga offcial ng PNR. Sa safety code standards ng railway crossing hindi lang busina ang early warning device kungdi pati harang at working warning lights with warning bell.
Tama ka, may mali din ang PNR kasi hindi nila nilagyan ng maayos na warning system ang ibang mga railroad crossings nila. May naalala ako na news early this year na may Honda City SX8 inararo ng train. Sabi ng nagbabantay ng railroad crossing nilabas na niya ang stop sign niya (yung hinahawak na sign) at parang pumito yata (hindi ko na masyado maalala). Ayun, hindi napansin ng driver ng City, patay. Mahirap pansinin ang ganyan klaseng warning kasi minsan pwede nagcoconcentrate ka sa galaw ng traffic given na magulo ang pagmamaneho dito at minsan may biglang tatawid. Most likely hindi mo rin masyado mapapansin kasi nakataas windows mo. So dapat talaga gawin ayusin yung warning system nila. Dami kong nadadaanan sa Manila na wala ring mga warning system.

Pero mali din talaga ang tricycle driver. Hindi ko talaga alam paano niya mapatakbo ang tricycle ng ganyan kadaming tao.