New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 13

Hybrid View

  1. Join Date
    Oct 2008
    Posts
    469
    #1
    Sa Everyday na ginawa ni God, specially sa gabi, papasok at palabas ng tandang sora going to Commonwaelth or Eliptical Road, lagi nalang traffic dahil sa mga jeep na nagbababa sa gitna ng kalsada. Hindi na kaya maayos ng Traffic Management Group Yang Part na yan. Araw araw dumadaan si VP Noli De Castro, bago sana siya bumaba, maaksyunan sana niya kung sa papaanong paraan magiging maluwag ang dalot ng trapiko papasok ng Tandang Sora(Commonwealth Part).

  2. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #2

    Dapat talaga,- no stopping within a few hundred meters sa mga intersections...

    Ang kaso, paboritong babaan at sakayan iyan ng mga kababayan natin,- dahil na rin pinababayaang tumigil ang mga ogags na drivers....

    9909:gotcha:

  3. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    30
    #3
    Matagal na itong problema, sa dami ng dumadaan dito na politico, media personalities, PNP, Military officials na nakatira sa mga exclusive villages dito,(specifically yung mga 'Tierra' villages dun)---so far wala sila magawa sa situwasyon .

    Isama mo na din ung kahabaan nito papuntang Mindanao Ave., pag may school at uwian na ng mga students- IMPIERNO dito dahil sa mga jeepney din.

    Pansinin niyo yung mga Traffic Aides, wala din magawa.

    May precinto dito na malapit, pero wala din silbi.

    Bakit kaya??????

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #4
    Dumadaan din ako diyan. Grabe talaga traffic kapag from T. Sora ako turning right onto Commonwealth kasi yung mga Jeep/Bus/FX/Whatever lahat nag aabang ng pasahero. Dami ko na din close calls kasi yung mga Jeep na walang balak magbigay.

    Napaaway na ko diyan dati (sila pa nang-away, nakaupo lang ako sa loob ng sasakyan). Yung mayaman vs. mahirap $hit na naman ang drama ng mga ogag.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    2,113
    #5
    Haaay naku ewan ko la ata talaga lunas yan. Sa araw araw din na ginawa ng Diyos nasisira araw ko parati sa mga BWISET na yan. Napapamura ako parati (padagdag ng padagdag sins ko tuloy), pati busina ko namaos na kaka sigaw.

    Kahit gaano ka lamig ulo mo mag-iinit dahil sa mga yan hihinto bigla sa gitna tapos ang lalakas pa ng loob bigla magcocounter flow yan sa intersection tye-tyempohan nila na pagreen na ang trafic light nadun na naman sila sa unahan tapos hihinto na naman ang sarap pukpukin. Wala batas trapiko sa kanila tayo sumusunod tapos sila hindi, haaaaaay buhay kelan kaya maaayos yan. Di ba puede shoot to kill na mga yan, joke...kaya ayoko magdala baril.

    Bakit sa subic maayos

  6. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    14,181
    #6
    We are currently building a new house in the nearby Ayala Heights village which we plan to transfer on next year. And yeah this jeep terminal thing is annoying, kaya kami duon na lang sa Katipunan side lumalabas ad not the Commonwealth side...

Tandang Sora Entry Traffic cause of Jeep Terminal