Guys,
Nag resign na kasi ako dito sa kumpanyang ito, ok naman ang president and almost all ng empleyado sa head office, maliban sa kups na head ng head office.
Iniisip ko lang kasi baka hindi ako i-clear at di bigay ang last pay ko. Dati kasi meron ako pinagawang program sa pag print ng barcode, di binayaran halos 1 year na tapos nung sinisingil ko aba eh tinuro ung kups din na head ng planta.
Nag usap na kami tungkol dun sa mga lalagay sa barcode, ngayon para mabayaran pinaiiba nanaman. Sobra nakakahiya sa pinag gawan ko ng barcode.
Iniisip ko baka pati ako ganunin, usapan tuturn over ko sa sulsultant nila ang sourcecodes ng ginawa kong programs at ang documentations ng mga it infrastructure na ginawa ko. Baka pagkatapos kong i submit ung mga un eh di pirmahan ang clearance ko, di ako makakapag simula sa kabila ng walang clearance.
Alam nyo ba ang sabi pa sa akin ng kups ng head ng main office eh, dapat daw maging professional ako sa pag tuturn over ... aba para bagang napaka sama kong tao samantalang ilang kumpanya na pinanggalingan ko di naman nag habol kahit isa. Kulang ko na lang sabihin na kung kaya ko silang alisan ng bigla-bigla kung di ako professional.
Ano ba maganda kong gawin para siguradong ma clear ako at ma bigay last pay ko?


Reply With Quote
me kilala ako dati ganito nangyari, nagkaroon ng problem sa pagresign nya. ayun di nagpaclearance. parang AWOL tuloy nangyari.



