I was driving along Quezon ave sa may Delta going to EDSA, about 1230 ng madaling araw last Saturday. Napansin ko na lang bigla na merong navy blue na adventure sa left lane na parang gustong lumipat sa lane ko, dahil ang lapit niya sa akin, about 1ft lang yung gap namin. Napansin ko na lang at that time nung malapit na siya nun. Maintain na lang ako sa speed ko nun. In his lane, dumeretso siya hanggang mga 2ft ang overlap ng likod niya at harap ko. tapos biglang kinabig ng pakanan! tinamaan yung fender ko. siyempre, reaction ko nun, medyo kinabig ko ng kanan ng konti at menor para umiwas. yung tarantadong driver, pumaspas agad paglipat sa lane ko papuntang Circle via yung tunnel crossing EDSA. di ko naman naisip na gagawin niya yun dahil ang daming sasakyan pa naman nun, occupied lahat ang mga lanes. sinubukan kong habulin yung sasakyan niya kaso di ko inabutan, gasoline version ata yung sa kanya, eh diesel pick up yung dala ko. Nung ipinarada ko na lang sa safe na lugar para i-check kung may tama, buti, konting scratch lang, walang dents. Pasalamat ako, di nasaktan at pati yun lang ang nakuha ng sasakyan ko.

Yung plaka niya XNX 1--; di ko sigurado kung 114 or 144 or 141, but I think its 114. dark blue yung kulay, di ko sure yung model pero medyo bago dahil yung tail lights ay yung nasa may gilid sa taas, yung pataas na ang bukas ng pinto sa likod.

Kung sino man yung driver nung sasakyan nun, makarma sana siya. Makakahanap rin siya ng katapat...