General na ayaw mabasa di parurusahan
updated February 28, 2002 12:00 AM
Walang parusang ipapataw si Pangulong Arroyo sa tinaguriang "hydrophobic" general na nakunan ng litratong pinapasan ng isang bangkero habang tumatawid sa tubig para hindi mabasa ang sapatos.
Sinabi ng Pangulo na lumabas sa imbestigasyong iniutos niya kay AFP Chief Gen. Diomedio Villanueva na hindi lang pala si Air Force Brig. Gen. Marciano Ilagan ang binuhat ng bangkero mula sa bangka kundi maging ang iba pang opisyal. "Naging kaugalian na pala ng mga bangkero doon na kargahin ang lahat na pasahero para maitawid sa tubig. Sinamang palad nga lang na nakunan ng litrato si Gen. Ilagan," sabi ng Pangulo.