Ingat kayo dyan sa kanto ng Uniwide coastal mall going to Coastal road specially sunday mornings. Yung mga magagaling na MMDA traffic enforcers kasama ng dalawang traffic police na naka gray, nag se set ng trap para hulihin kayo on supposed swerving violation. Pababayaan nilang pumila yung mga bus at jeep sa tatlong lane sa kanan kaya tatlong lane na lang ang matitira. Natural iiwas ka to your left to cross the intersection. Pag lampas mo ipapara ka na dahil swerving daw.
Last sunday nangyari sa akin to. Nakatingin sa akin yung MMDA ng tumawid na ako sa intersection. Ang ginawa ko dire diretso ako sa pwesto nila sa center island even before they flagged me down sabay bukas ng bintana at sinigawan ko ng "Bakit hindi nyo hinuhuli yung mga bus na humaharang sa kanto? Kaya nag su swerve tuloy yung mga didiretso! I rereport ko kayo sa head office nyo! " Nagulat at natulala yung mga loko. Sinenyasan ako nung pulis na naka motor na diretso na daw ako. Tsk tsk tsk...

Nakakainit talaga ng ulo!