mga tsikot peeps gusto ko lang share expirience ko sa inyo last saturday night around 2AM sa mall of asia. nahuli ako sa moa dahil nag counterflow kami sa 2way street pag day time na ginawa nilang 1 way pag night time kasi nilalagyan nila ng mga harang. (hindi ko nga alam kung alam ng MOA management na hinaharangan nila yung mga street pag gabi)
sabi ko sa security supervisor baka pede warning na lang kami since hindi namin alam saka ala sila sign na 1 way yon. saka sabi ko pag day time naman hindi sya 1way. gulat na lang ako meron sya panticket tulad ng sa MMDA. kinuha license details ko, pati nung mga kasama ko (3 kotse kami) lahat counter flow at 2000petot ang fine bayaran daw sa metrobank. ang name sa ticket Arnel Anog (MOA security supervisor) tapos sa tapat meron MMDA badge number. ano yon security supervisor sa MOA at the same time MMDA enforcer sya? since late na that time hinyaan na lang namin.
mga peeps authorized ba talaga ng security personel ng MOA to issue trapic violation ticket? saka yung mga harang nila sa street strategic ang placement na pag pumasok ka sure na huli ka. pede ba reklamo sa MOA management yon.




Reply With Quote
sir mas maganda hanapin mo nalang kung san pwede ireklamo hindi dahil may pang ticket sila katiwiran mo na lang yung side mo na pag umaga naman e ginagawang one way

