New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Results 21 to 40 of 48
  1. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    31
    #21
    buti hindi tahong ulam,,,
    baka isingit pa sa wiper yong shell!!!!
    Quote Originally Posted by ghosthunter View Post
    HULI


  2. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    935
    #22
    hAhA...

    Naalala ko noon, mga 2010 ata nangyari sa may Robinson's Mall East. Naka-upo yung guard sa hood ng car ko, luma na yung car ko na yun so siguro yun ang napili niyang upuan. I began recording the scene with my Nokia habang papalapit ako sa kanya. Nung medyo malapit na ako doon pa lang niya napansin na nirerecord ko yung scene. Tapos nung talagang malapit na ako eh siya pa ang galit at kung anu-ano ang sinasabi kesyo raw ano daw yung ginagawa ko, bakit ko siya vinivideo, hindi ko raw siya dapat na i-video. Tahimik lang ako at nirecord ang lahat mga 5mins din yun, nung nasa 4 mins na medyo hindi ko na gusto yung sinsabi niya, ang yabang ko raw at kung anu-ano pa, ang masklap dun eh nakaupo pa rin.

    Nagpintig na rin ulo ko at sinabi ko, "for your information that is my car your sitting at!" Bigla siyang napatayo at tumigil sa kakadakdak niya. Tinanong ko siyang kung saan ba yung admin office nila, ayaw magsalita at hindi raw niya alam. Sabi ko, "ah ok!" Then I stop the recording at bumalik sa loob ng mall at nagtanong sa ibang guard kung saan yung admin office at sinabi ko sa kanila yung reklamo ko at pinakita ko yung video, sabi nila hindi dapat ginagawa ng guard yan at wala silang karapatang hawakan man lang ang kahit na anong part ng kotse pwera na lang kung may emergency situation. Bibigyan na lang raw nila ng disciplinary action yung guard. Sabi ko rin sa kanila na ayaw ko naman matanggal sa trabaho yung guard pero dapat ay bigyan nila ng tamang action ang mga ganitong bagay.

    Paglabas ko ng mall at pabalik ng kotse ko eh todo hingi ng paumanhin yung guard, pero sabi ko sa kanya na kausapin na lang niya yung admin office nila. Hindi ko alam kung ano na nangyaro pagkatapo nun, pero simula nito ay hindi ko na naranasang naulit pang muli. Sa tingin ko naman ay kung walang magrereklamo sa admin office ng isang parking establishment eh hindi rin malalaman na bawal yung ginagawa nla o sadya lang makapal lang mukha ng ibang tao.

  3. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    34
    #23
    At least his car is the safest car in the lot... for as long as the guards lunch lasts!

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,719
    #24
    sakto sa lilim

    baka naman kanila yung oto?

  5. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,174
    #25
    Quote Originally Posted by holdencaulfield View Post
    ^ ang isyu naman dyan yung gasgas na baka mangyari sa sasakyan mo hindi yung tulo ng sarsa o pagkain.
    baka maya mabigat yung maipatong sa hood tapos ang pagkuha pa hindi paangat kundi pahatak. tapos "bren yu" pa tsikot mo. yari tayo diyan!
    Quote Originally Posted by kinyo View Post
    sakto sa lilim
    baka naman kanila yung oto?
    Kaya nga, sa ganyang klase ng mga parada,- doon na lang ako sa ilalim ng araw... Iyon kasing mga tambay sa parking, naturally ay sa may lilim tumitigil...

    At ang ilan pa sa kanila ay walang pakundangan kung sandalan at patungan ang sasakyan...

    17.8K:snow:

  6. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #26
    May nangyaring similar sakin nito nakapark ako sa incline tas nagsulat yung guard nakapatong sa trunk ko. Di ata alam nasa loob pa ko. Pinakawalan ko parking brake laking gulat nya gumalaw bigla yung kotse hahaha. Pero alalay naman sa preno, wala naman akong balak atrasan sya. :D

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #27
    yung lancer ko dati nilaruan ng beyblade ng mga bata. gasgas ang hood, pati yung front windshield may tama.

    ang nakakainis pa sa mga yan pag sinita mo e kasalanan mo pa at mahirap sila at ikaw may kotse, kaya wag mo daw sila aapihin. bweset!

  8. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,736
    #28
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    yung lancer ko dati nilaruan ng beyblade ng mga bata. gasgas ang hood, pati yung front windshield may tama.

    ang nakakainis pa sa mga yan pag sinita mo e kasalanan mo pa at mahirap sila at ikaw may kotse, kaya wag mo daw sila aapihin. bweset!
    I can imagine it pisses everyone off here that people who inconvenience you such as the parents of those kids will always use the "poor" card to escape responsibility. Much as I hate to say it but there's really a "we're poor so understand us" mentality in the Philippines. I apologise to the thread starter for my off-topic post.

  9. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    1,945
    #29
    might as well put a note inside posted in the windshield...

    "This is not a Dining Table"


    or better yet:


    Last edited by stickers; January 14th, 2013 at 03:42 PM.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #30
    nangyari din sa akin ginawang patungan ng logbook tapos nagsusulat. sinita ko. nag paawa effect pa na kesyo pagod na pagod daw sila sa kababantay tapos ung lang sisitahin pa sila. stupid.

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    29,354
    #31
    Quote Originally Posted by K.I.L.L. View Post
    I can imagine it pisses everyone off here that people who inconvenience you such as the parents of those kids will always use the "poor" card to escape responsibility. Much as I hate to say it but there's really a "we're poor so understand us" mentality in the Philippines. I apologise to the thread starter for my off-topic post.

    I can understand where you are speaking from. Even I hate the mentality just because I drive a car, it does not give you the right to treat MY PROPERTY as if it's your picnic table, etc. Just because I drive a car, it does not mean I am filthy rich. I worked hard and saved money to buy my precious car. I prefer to keep it in pristine condition as long as I can.

  12. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    48
    #32
    dapat hindi tinotolerate yan poor mentality na yan e. kapag tinotolerate siempre alam na effective so uulitin nila yan. Dapat malaman nila how to respect yung property ng iba. dito sa pasay, yung mga sidecar singit ng singit tpos kapag sinita mo sila pa galit. sasabihin ang yabang mo kasi nakakotse ka lang. sarap pagbabatukan e.

  13. Join Date
    Aug 2011
    Posts
    564
    #33
    ako naman sa may sta. ana. inaantay ko mom ko kasi andun nakatira yung beautician friend niya. so ako, antay sa kotse, nood movie, tapos naka takip yung windshield ko na sun shield. may mga tambay na trike drivers. tapos sumisilip sa eskenita (dun yung bahay ng friend ni mom) at ako naman naka park sa opposite side. kuwentuhan sila, pasilip silip lang ako sa kanila. may isang sumandal. ok lang, naka shorts walang makakagasgas. ok na sana, kaso may iba pang gumaya, 2. ginawa ko, ginaya ko yung alarm ng horn, pot pot. dedma. ginawa ko, inistart ko yung kotse. sabay sabi, may tao pala sa loob!

  14. Join Date
    Jul 2009
    Posts
    10,310
    #34
    yun bang sinasandalan yung kotse mo, dapat sitahin ba yun? or yung nagyoyosi at nakaharap sa trunk at nakapatong siko sa trunk, so yung yosi nasa ibabaw ng trunk. bayaw ko kasi gumagawa although pag dumating ako eh inaalis naman. ayoko naman gumawa ng gulo pa dahil in fairness nililinis nya kotse ko kahit di ko alam, haha.

  15. Join Date
    Dec 2012
    Posts
    48
    #35
    Quote Originally Posted by BratPAQ View Post
    yun bang sinasandalan yung kotse mo, dapat sitahin ba yun? or yung nagyoyosi at nakaharap sa trunk at nakapatong siko sa trunk, so yung yosi nasa ibabaw ng trunk. bayaw ko kasi gumagawa although pag dumating ako eh inaalis naman. ayoko naman gumawa ng gulo pa dahil in fairness nililinis nya kotse ko kahit di ko alam, haha.
    Hmm sabihan ng maayos. Ba mga stain. Kapag umabot sa kotse ung part na may sindi.

  16. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    764
    #36
    'May tao pala.' Tapos iwas...

    ...which means that they know how not to lean unto the car of others, but do not effing bother if nobody's there.

    Umiral ang ka-kupalan. Story of the Filipino street mentality.

    Oh, and dunno if the poor, uneducated attribute applies to all these.

    I once was waiting inside my parked car (sundo mode) when a group of decent-looking employees from a well-known company stopped behind to talk while waiting for a cab. Normally you would ignore, but they were hanging too close to the car to not notice. Still, one puts them off the mind.

    But then, a little later, ayan na... guy starts adjusting his backpack, hitting the zippers to the body. Heard it, miffed, but stayed silent. A little later, girl then starting sitting on the bumper. When I noticed it....

    'OH HELL, NO.'

    Started the car, startled and made the girl jump. Right on time as the person I was waiting for came out after a minute or two. Funny thing is, magkakilala pala sila-sila. The group was still looking at us when we drove away.

    Dami pang ibang cases na ganyan (same company, different group) na nasubaybayan ko. Not as if they were not educated enough or something. Bottomline, I think it all boils down to the general mentality of people na WALANG PAKI sa mga bagay-bagay basta't hindi nila pagmamay-ari.

  17. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    936
    #37
    Dati kasi ganyan din ako, mahilig sumandal sa mga kotse. Nung bata ako ganyan, pati naglalaro sa paligid ng kotse.

    Pero nung nagkaron na kami kotse, ma-rerealize mo mali pala mga pinag gagawa mo...

    Sabihin na nila mayabang at kung anu-ano, pero pag nag ka kotse sila, marerealize din nila na mali sila eh...wala eh..ganun talaga...

  18. Join Date
    Sep 2011
    Posts
    454
    #38
    Quote Originally Posted by renzo_d10 View Post
    Yep. Kung kaka-park lang, their cold food will be tastier as it will be hot.

    It's a different story though kung yung hood ko ay natuluan ng ketchup or gravy or whatever sauce. Pero as long as walang "tulo" sa hood, kahit tirang chicken or whatever. Ok na rin. Gotta try to understand them.

    - - - Updated - - -

    Yep. Kung kaka-park lang, their cold food will be tastier as it will be hot.

    It's a different story though kung yung hood ko ay natuluan ng ketchup or gravy or whatever sauce. Pero as long as walang "tulo" sa hood, kahit tirang chicken or whatever. Ok na rin. Gotta try to understand them.
    Medyo OT na din to pero patungan and experience ko naman eh yun pamangkin kong may kargang anak. Nagpark ako saglit sa harap ng bahay kasi aalis ako. Nandun sa tabi ng sasakyan nakikipag kwentuhan sa ibang kapit bahay. Bigla ba naman pinatung yun bata sa hood. Buti na lang di gaanong kabigatan yun bata kundi lubog yun hood, wala pa naman isang taon noon yung sasakyan.

  19. Join Date
    Jun 2011
    Posts
    37
    #39
    one of the hazards of not having a garage and parked near a sari-sari store, every morning may marka ng bote ng softdrinks sa bumper(malapad kasi at pwede pagpatungan) at siniksiksikan ng balat ng chips sa ilalim ng fender. Usually mga kabataan ang gumagawa nito.

  20. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    4,642
    #40
    Quote Originally Posted by ronki View Post
    Dati kasi ganyan din ako, mahilig sumandal sa mga kotse. Nung bata ako ganyan, pati naglalaro sa paligid ng kotse.

    Pero nung nagkaron na kami kotse, ma-rerealize mo mali pala mga pinag gagawa mo...

    Sabihin na nila mayabang at kung anu-ano, pero pag nag ka kotse sila, marerealize din nila na mali sila eh...wala eh..ganun talaga...
    Most of them naman kasi walang kotse kaya di nila alam na nakakairita para sa may-ari na sinasandalan auto nya. Mula rin nung nagsimula ako magmaneho I learned to respect others cars more, di ako sumasandal, maingat pag bubuksan pinto sa parking para di matamaan pinto or side mirror, things like that.

Page 2 of 3 FirstFirst 123 LastLast
Security guards having lunch... on your car.