New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 47 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 463
  1. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    89
    #1
    ZAD551. white fortuner. wednesday. along quirino coming from osmena going to nagtahan.

    while turning right sa dulo ng osmena, nasa right side ko yung fortuner and pinipilit sumiksik. ayoko naman magshift ng lane kasi may incoming traffic from taft. and if familiar kayo sa place, talagang masikip yung rightmost lane ng quirino kahit sedan ang gamit mo. nainis ata sakin kasi di sya makasingit.

    nung nakalusot na sya parang tumatabi lang sakin tinitignan ata kung magisa lang ako. then biglang nagpunta sa harap ko then hinarang ako, bumaba, then pinalo yung windshield ko! binubuksan yung pinto pero iniwasan ko agad sya then nagpunta ko sa harap nya para makuha ko yung plate number. pero humabol ulit then hinarang na ulit ako! as in naka letter T na yung position namin. this time bumaba yung dalawa then pinipilit buksan yung both sides ng pinto ko!

    somehow nakasense na ko na carjacker yung mga yun based sa mga stories na nababasa ko sa forums. gusto ko na lang takasan so nagreverse ako and its really surprising na hindi sila takot masagasaan kasi pinipilit parin buksan yung pinto kahit umaandar na ko.

    hindi ko pinatulan. syempre vtec mode na lang muna ko. apparently mahalaga yung buhay ko and sa kanila hindi so it doesnt make sense kung papatulan ko sila. pagharurot ko OH NO stoplight! pag tumigil ako for sure maabutan nila ako! paglingon ko sa likod, wala naman sila so buti na lang di nila ako kita kaya nagtago muna ako sa shell station quirino before mag malacanang.

    nagpark lang ako dun and inaabangan ko kung susundan nila ako pero wala na akong nakitang fortuner na dumaan. malamang nagright sa zamora kasi may mga pulis na sa malacanang area.

    ano bang pwedeng gawin sa ganun? nareport ko na sa police station malapit sa area. 6th gen civic ang kotse ko and naisip ko kung may pera ako para bumili ng 8th gen civic, parang ayoko ata bumili.

    im attaching pic of my windshield. meron ding dents yung dalawa kong pintuan.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,496
    #2
    grabe to a.
    either carjackers nga or someone na feeling powerful

    idemanda mo na

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,744
    #3
    Dang, that sucks. Carnapper nga kaya yung mga yon? Di kaya mga rich brats lang na nagpa-power tripping?

    Ingat na lang palagi sa daan. Sana nakuhanan mo ng picture yung mga loko para may ebidensya ka laban sa kanila.

  4. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    89
    #4
    gusto ko nga sana kunan ng picture kaso parang ang bilis ng pangyayari baka mabasag pa nila yung ibang windows ko. kung sariling kotse nila yun, i dont think willing sila magrisk na mascratch or mabangga yung fortuner. especially yung pag harang nila, pwede ko namang banggain yung kotse or sagasaan sila..

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #5
    footah. kakatakot yan ah. kung ako siguro yan naihi na ako sa salawal ko.
    buti na lang bro, hindi ka nasiraan ng loob. and buti na lang, di bumunot ng baril.

  6. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    89
    #6
    oo nga e. ayun din yung reason kaya ayoko bumaba baka may baril. yung binasag nila, first impression ko baka road rage lang pero yung pinipilit nila buksan yung pinto, narealize ko binasag nila para mapilitan akong bumaba...

  7. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    1,455
    #7
    thats one reason why im not for the banning of firearms. yun mga masasamang tao may baril tayo wala. did the gun ban help in reducing crime? i dont think so. pa imbestiga mo yan bro

  8. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    203
    #8
    Maganda dyan paimbestigahan mo agad. Nakuha mo naman siguro plate number mga hinayupak na yun.

  9. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    1,563
    #9
    grabe kakatakot yung nangyari sayo, bro. tama nga paimbestigahan mo yan.

  10. Join Date
    Dec 2004
    Posts
    89
    #10
    nagpunta ko yesterday sa anticarnapping division sa UN police station pero di daw nila tinatanggap yung kaso kasi hindi naman nanakaw yung sasakyan..

    ang nagawa ko pa lang is magfile ng report sa pandacan police. ang sabi lang pwede ko mapatrace sa LTO yung may ari para masampahan ng kaso. i dont know kung talagang may gagawin sila..

Page 1 of 47 1234511 ... LastLast
Road Rage!  White Fortuner ZAD-551 [Renamed]