para hindi naman palaging motorsiklo ang thread na ito.
1. how about yung mga ang babagal ang takbo na vehicles mostly private and tricycles (tapos sila yata yung mga nagpopost dito na ang gagaling ng fuel consumption hehe joke). what I mean, pwede bang sumabay nalang sa moving speed hindi yung sarili lang ang iniisip para magcrusing mode.hindi ko sinabing magkaskas, yung tamang speed lang.
2. taxi drivers - palaging gustong inaamoy ang puwet ng auto mo. ni hindi na kasya maski motorsiklo sa pagitan niyo.
3. jeep - naghihintay ng pasahero kaya nagtatraffic. kapag oovertake-an mo, biglang haharurot kaya mapupunta ka pa sa alanganin punyemas hehe.
Two weeks ago lang, napansin ko na yung taxi sa likod ko sobrang lapit tumutok. Naiirita na ko. Sobrang traffic pa naman...2. taxi drivers - palaging gustong inaamoy ang puwet ng auto mo. ni hindi na kasya maski motorsiklo sa pagitan niyo.
Maya-maya may nakita akong fortuner na nakaharang na sa gitna ng daan... may taxi sa likod nya. Tinamaan sya. Kawawa naman yung may-ari, mukhang businessman pa naman. Late na sya tapos hassle pa sobra ang magpa-police report tapos lalakarin mo pa sa insurance mo tapos di mo pa magagamit nang matagal sasakyan mo...
Sabi ko sa sarili ko, ogags talaga tong mga taxi driver na to.
Para di OT:
Sa The Fort dati, may 2-way at 2-lane na street dun, yung MC nasa pinakagitna, ang bagal magpatakbo. Papunta ko sa left so nasa left-most lane ako at dahil may sasakyan din sa kanan ko iningatan ko wag tamaan yung MC.
Maya-maya sa traffic light kung saan ako kakaliwa umabot sya at nakatingin sa kin ng masama. Binaba ko window ko dahil di ko alam kung bakit sya galit. Sabi ko, "Ano problema?"
Sabi nya, "Bakit kay nagpipina?"
Sinara ko ulit bintana ko. Sabi ko, siraulo yata... pag sila dumadaan, nasa ilalim na ng sideview mirror ko yung handle ng MC nila pero pag ako ang dadaan at matatabihan lang sila nang konti, nagpipina na daw yun...![]()
+ 1000 dito, di ka makaiwas dahil sa dalawang istorbo, pag tinabi mo naman ng kaunti titignan ka pa ng masama
A few months back naman noong papunta ako sa mercury drug sa may amin, I was about to park sa parking space in front of mercury. I was coming from the other lane, so I had to signal left to the oncoming traffic. I already saw that there was available parking space but a PUJ was double parked, so I honked at the driver. Deadma. Inulit ko mga 3x ayaw pa rin gumalaw. Sa inis ko tinutok ko na yung sasakyan sa jeep niya, tapos sabay baba ng bintana, " Pare, paparada ako eh!" Sagot ba naman, "Customer din ako." Tapos inurong din niya jeep niya.![]()
Last edited by fabilioh; December 20th, 2010 at 05:43 PM.
:fire: uminit ulo ko dito ah! i know what you mean. bakit ganun, wala gusto tumanggap ng pagkamali? kailangan may palusot. o sila pa yung galit. AGHHHH. wala na talaga pag-asa dito sa pilipinas. ika nga ng wikileaks "the philippines is a basketcase of a country"(non verbatim)
two weeks ago a brand new taxi vios rear ended my car, habang nakahinto ako sa stoplight. nahagip yung bumper ko sa may bandang kanan, mukhang balak kasi nya mag-pass to my right. i have about 4 cars ahead of me that time. before hitting me, the light changed to green, and the lead car prepared to go.
when i asked baket hinde sya nagslow down nung nakita nya na nakahinto pa kami, sabi ba naman, "nag-berde na eh, dapat umabante na kayo."
hahaha remember nung ako binangga ng bike tapos sabi nya hindi naman nayupi bumper ko...
sabi ko 'dapat lang kasi pag may gasgas yan sasagasaan ko bike mo!' haha
nakaka-bwiset din sa village yung mga nag-si-siga-sigaan.. pag naka kita ng tropa sa kalye... parehong haharang sa gitna ng kalsada at dun mag uusap... hmph.. pwede naman tumabi muna at dun sila mag chikahan.. kung gusto nila.. dun sila sa starbucks!
Pag ganyan businahan lang yan ng tuloy-tuloy para di sila magkarinigan.
Same here...sobrang inis ako sa mga bus, jeepney, taxi, tricycle, MC and kuliglig/pedicab drivers..in that order.
Yung mga bus, siga at idadaan ka sa laki ng body ng bus para dumaan sila...yung jeep naman eh halos ganun din...same for the taxi...most of them kasi eh di naman may ari ng jeep/taxi, so di nila iniisip yung damage sa kotse. Trike and MC drivers are not far behind, kasi abusado din sila and singit ng singit.
Numerous times eh muntik na ako tumama sa mga MC na tumatawid sa intersection na closed off ng concrete barriers...the ones na dapat eh di dapat lusutan ng mga sasakyan. I pray na di ako mawalan ng concentration sa pag drive at lagi ko sila makita on time para I can slow down or give them a beep from my horn.
Mga hinayupak talaga yung mga yan...and most of the time...ang narininig ko from them eh nakapasok or nauna na ako, so pagbigyan mo na...tama ba yun eh mali nga yung diskarte mo....mga bwiset talaga.
Kasalanan mo naman pala? nag berde na hindi ka pa umabante! haha
bopols talaga mga PUV driver na yan, to think hanapbuhay nila yan hindi pa nila gawin ng maayos. Pag naabala ka puro pasensiya at kamot ulo aabutin mo. Basta PUV given na yan, hindi mo pwedeng sabayan tutuluyan ka talaga. Nakakairita pa lalo sa mga jeepney, sa gitna tumitigil para magsakay at magbaba. Hindi marunong luminya, parang kaagaw ka nila sa pagkuha ng pasahero. Tapos sa stoplight kung kelan pula ang ilaw tsaka aabante, baligtad talaga mga utak..![]()
Pag may biglang pumarang jeep sa harap nyo para magsakay, tutukan nyo yung pintuan nang sobrang lapit hanggang di na makasakay yung pumara. Pag umabante, tutukan nyo ulit. Try nyo, masaya...
dito kami madalas mag-talo ni misis when i drive. she's saying "pagbigyan mo na, naghahanapbuhay eh". i don't accept that reason. pare-pareho lang naman tayo nagtratrabaho, and i make it a point to do my work well. bakit sila hindi ba pwede i-ayos ang hanapbuhay nila?![]()