Results 1 to 10 of 27
Threaded View
-
May 16th, 2008 02:21 PM #1
...Good day guys! ... manghihingi lang ako ng tulong o kasagutan sa problema ko...
This happens last Saturday May 10, 2008 ... arount 4-5pm... matrapik at makipot ang daan sa lugar na dinaanan ko .. may mga ginagawa pang daan tapos medyo umaambon nun....
Easy going na akong pauwi paliko na ako sa kanto pakanan pasok na buong katawan ng sasakyan na dala ko biglang may sumambulat sa harap namin ng isang malaking truck! at sa di inaasahang pagkakataon may ginagawa pala ang Maynilad doon kaya di ako nakasingit o nakaabante...
So ginawa ng isang taga Maynilad pinaatras ako .. din nung nakaatras na ako at nakahinto na laking gulat ko sinigawan na naman ako .. sabi .. atras mo pa... san ko iaatras? sabay sagot ng.. don doon sa dulo.. (nak ng putakte ano gusto niya mangyari bumalik ako sa pinanggalingan ko?) pag atras ko (inaalalayan ako pati mga tanod na nung panahon ng pagliko ko ehh wala man lang nagtratrapik) pinagsisigawan nalang ako abante mo! abante mo! may naipit sa likuran mo! di ako naman nataranta kasi sinisigawan na ako na parang nakapatay ako! sa taranta naka-reverse pa pala ako so pag apak ko sa accelerator napaatras pa ako...
Ngayon heto na ang kwento ... mga tanod tanong agad asan lisensya mo? heto po.. sabay kuha agad at wala man lang ginawang report o ano ... tanong pa nga nung isa bago ka lang ba nagdridrive? opo bago lang po.. pero sagot pa naman bago lang pala ehh dapat di ka lumalabas... asus ginoo paano ako matututo kung sa bakuran nalang o garahe nalang ako? tapos heto pa asan daw rehistro at susi ng sasakyan na dala ko ... sabi ko heto po at yung rehistro nasa sasakyan po.. sabi kunin mo kunin mo at ibigay mo sa amin... may dumating na pulis sabi ibigay mo nalang para di na lumala kaso mo si ako naman engot bigay din agad tapos.. sabi yung si ate daw dalhin na daw agad sa ospital sabi ko teka lang po antayin ko tyuhin ko sabi wag nalang daw at baka kung mapaano pa yung babae di sige pumayag ako pero nakita ko yung mga tanod at pulis nagbubulungan na.
Heto pagdating sa Banaue ortho di yung ate at kapatid niya pumasok pa x-ray ako nagbayad pati gamot pero nagkulang ako ng lima kasi wala nga kaming pera ng time na yun.. sabi sa barangay nalang daw pagbalik... at me check up pa naman si ate sa May 16, 2008 which is today... pagdating sa barangay nagpablotter na tito ko at permado ni kap pero antimano ayaw nilang tanggapin na kinabukasan nalang 10am magkikita ulet kasi daw keso sila ang nagrereklamo at may mga tanod pa naman daw na saksi sa mapagkakasunduan namin since iniipit kame pumayag ako sa kasunduan na babayaran ko nalang arawan niya which is 6days starting nung Sunday - Friday ... kinabukasan nagpasama ako sa tiyuhin ko dahil sabi ko gusto ko na aregluhin pagkapunta naman namin sabi kong ano daw napagkasunduan sa barangay ng gabing yun yun nalang daw ang sundin ehh di bigay nalang kame ng 1500 para sa gastos since di daw sya makapasok sa trabaho...
Ngayon heto na problema nag text samin ngayon na kuya kagagling ko lang po sa ospital sabi ng doktor anonther 7 days na naman po ang kelangan kong ipahinga at meron na naman po akong gamot na nabili .... mas malaki na po ngayon ang babayaran niyo... sa ganong text o sabi nakakaamoy na akong peperahan na ako nitong taong to...
Ano po ba dapat kong gawin? at bakit pilit niyang sinasabi na kung di DAHIL SA PAGKAKAIPIT ninyo sa akin di sana magkakaganito at kung MAWALAN daw sya ng trabaho mas malaki pa daw magagastos namin? ... tanong lang po kung hayaan ko nalang po ba sya kasi katwiran ko nagawa ko naman dapat kung gawin at kung dalhin niya sa korte me laban po ba ako?
ISA PA PO YUNG TRICYCLE PASO REHISTRO!Last edited by xmb; May 16th, 2008 at 02:26 PM. Reason: mali espeling
Probably looks like a Coke sakto. Yes, where did you buy it?
Fire Extinguisher for Car: what brand and type...