Kagagaling ko lang kanina sa palace in the sky sa tagaytay. Just went there to get some fresh air, nung paalis na kami may lumapit samin na sumisingil ng parking fee. I argued that nde pwede yung ginagawa nila lalo na at walang TIN number yung parking stubs na kulay green na parang gawa lang sa tabi tabi. AFAIK wala rin signs na may parking fee dun, at wala rin nag sabi nung pagdating namin.

Ang tanong ko, tama ba na ako na racket lang yung ginagawa nila? para raw sa baranggay nila yun, pero ang alam ko public land yung sa palace in the sky. Tapos dapat sa pagpasok pa lang meron na sisingil. Para kasing no choice ka kung nde magbayad pag paalis ka na. This is the second time na hinde ako nagbayad ng 20 pesos. Umalis lang ako, wala naman sya magagawa, minura pa ako ng mokong, pero oks lang, babalik rin sa kanya yun. Gusto ko lang clarify kung meron sila basis sa pag charge ng parking fee.