bad trip nga yung ganyan. same thing i encountered sa parking ng manila zoo dati. nung pumasok kami, wala namang inabot na ticket. pero nung palabas na kami, biglang may lumapit at naniningil ng parking fee daw. i think 20 pesos. sabi ko asan yung ticket o resibo. sabi wala raw. ganun lang talaga dun. hiningan ko ng ID ng manila zoo. wala rin daw. pero sya daw ang official na bantay. maya maya humirit na kahit magkano na lang daw. pero sa susunod, kelangan daw magbayad ng buo. sabi ko di ako magbabayad hanggang may ipakitang resibo o ticket. ayun, umalis na lang kami na hindi nagbayad. pero takot ako baka bigla akong batuhin. ok lang kasi sana kung pagpresenta na lang as watch your car boy or mag assist sa pagpark o pagalis at maghintay na lang ng voluntary donation. hindi yung magiimpose ng specific amount para as parking fee. pagnanakaw at panloloko na yung ganun e. and i bet, especially in famous places, utusan lang to ng mga pulis para makadelihensya. haaay. anyway, if you value your principles, don't pay. but make sure you don't go back there and there is no danger to you and your passengers on the way out. otherwise, just pay and leave the rest to God. or if you still value your principles but value your safety first, pay then go to the nearest police station after.