odell,

pabayaan mo na lang yan.

away bata lang yan.

lilipas din yan.

at makakaganti ka kanya ng mas matindi.

eto kwento ng tatay ko nung nasapak din ako nung highschool ako.

Noong elemtary palang daw siya, me bully dun sa lugar nila. Eh, napagtripan daw siya. So ayun binugbog din. Pag-uwi ng tatay ko, galit-galiit siya at gusto niyang bumawi. Kinuha pa nga daw niya yung itak para rumesbak.

Pero napag-isip-isip niya na kung makakabawi siya at bumawi uli yung Gago edi babawi uli siya edi walang katapusan.

So, ang ginawa daw ng aking Ama, pinalipas na lang niya yun at kinalimutan and go on with his life.

After 30 years, noong umuwi siya sa probinsya nila. Nakita niya yung Gagong nanapak sa kanya. Dun pa rin nakatira sa kubo nila. Wala daw pinagbago yung buhay. As in mukhang kawawa. Dami daw anak tapos walang trabaho kundi uminom ng lambanog. Ayun, tinamaan daw ng sakit si Loko. Nung nakita daw siya ng Tatay ko eh napangiti na lang siya at sinabi niya sa sarili na nakabawi na rin siya.

Haba ba?