New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 11
  1. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    797
    #1
    kaninang umaga habang binabagtas ko yung F. Martinez avenue (papuntang makati) may biglang sumingit na motor galing sa pedestrian lane so biglang napatigil yung tricycle na nasa harap ko pati ako. later on, yung tricycle tumabi na (may nahanap yatang pasahero) so yung motorsiklo na ang nasa harap ko.

    yung motor, umaandar lang nang 20-30kph sa gitna nang daan samantalang napakaluwag naman sa harap niya. hindi ako maka-overtake dahil kahit 2 lanes itong F.Martinez, yung isang lane eh maraming nakaparadang kung ano-anong sasakyan. so para malaman niya na medyo nagmamadali ako, bumusina ako nang mahina lang to show some courtesy. wala, talagang ayaw bilisan ang takbo. nagtagal pa nang mga 5-10 seconds na ganito at hindi na ako natutuwa sa kanya. ang galing sumingit tapos magdudulot nang trapiko dahil sa kabagalan.

    tapos nung nagkaroon nang pagkakataon na maka-overtake, humarurot ako tapos balik sa lane ko (sa harap niya dahil nga maraming nakaparada sa isang lane). parang nayabangan siguro sa akin, so later on naabutan niya ako at ayun, ang sama nang tingin nang loko na talagang ikinainis ko. yung tipong maghahamon nang away. buti nalang at lumiko na yung loko sa isang street bago mag-rotonda.

    anyway, ang akin lang naman, sana medyo gumilid lang siya dahil hindi naman kalakihan ang auto ko para makauna ako sa kanya, talagang gumitna pa kasi na napakabagal magpatakbo (pati nga yung delivery truck sa likod ko napapailing/kamot nang ulo, nakita ko sa rearview mirror ko). tapos nag-overtake lang ako, ako pa ang napasama hehe. oh well, only in the Philippines ika nga.

  2. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    4,600
    #2
    buti malamig ulo mo bro kung ako siguro papatulan ko yan lalo na't male-late ako. buti nga ikaw may id yung traysikol thru plate#. yung nakasagi sakin last week dyan sa may intersection ng recto at abad santos na kay sikip, eh isang motorized pedicab yung may "kuliglig" na naglipana na parang langaw sa lugar na yan! basta may narinig na lang akong malakas na "tog" sa may right side ko. binusinahan ko yung salarin at huminto pero nung nakita nung gunggong na mukhang pabababa ako at nakakita sya ng puwang. ayun kumaripas yung ungas! green na covering lang ang naaalala ko at wenalyn na pangalan sa likod nung parang trapal. buset talaga! pakiramdam ko tuloy na-isnatchan ako! kaya ingat na lang sa mga tricycle at lalo na sa mga pesteng motorized pedicab na pilit ng pilit sumingit. lalo na sa mga mahilig mag-divisoria, tutuban. tripleng ingat!

  3. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    797
    #3
    actually yung motorsiklo ang mabagal, yung tricycle, given na kasing mabagal pero yung kaninang motor talaga..

    actually sa inis ko nga nung bumusina ako nang mahina (hindi ko binusinahan nang malakas or todo dahil kabastusan naman) tapos hindi ako pinansin, talagang tinutukan ko tapos rev nang engine nang malakas. tumingin siya sa likod tapos.... ayun dedma pa rin. kaya nga nung naka-overtake hay salamat, kaso parang nayabangan sa akin eh talagang ang bagal naman niya kasi sa gitna nang kalye kainis. ayoko rin yung tumitingin nang masama na parang naghahamon nang away eh.

  4. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    316
    #4
    Sana binusinahan mo na ng malakas. Sayang ang gas kapag ni rev mo ang engine. hehehe!

  5. Join Date
    May 2010
    Posts
    743
    #5
    only in the philippines. where **** happens

  6. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    148
    #6
    Quote Originally Posted by ben_david19 View Post
    actually yung motorsiklo ang mabagal, yung tricycle, given na kasing mabagal pero yung kaninang motor talaga..

    actually sa inis ko nga nung bumusina ako nang mahina (hindi ko binusinahan nang malakas or todo dahil kabastusan naman) tapos hindi ako pinansin, talagang tinutukan ko tapos rev nang engine nang malakas. tumingin siya sa likod tapos.... ayun dedma pa rin. kaya nga nung naka-overtake hay salamat, kaso parang nayabangan sa akin eh talagang ang bagal naman niya kasi sa gitna nang kalye kainis. ayoko rin yung tumitingin nang masama na parang naghahamon nang away eh.
    Hmm, the fact na naabutan ka nya ibig sabihin nun ay hindi worth it ang pag overtake mo. Baka hindi ganun kaluwag sa harap nya kaya mabagal lang ang takbo nya.

  7. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    283
    #7
    Baka naman di rin ganun kabilis yung car niya sa motor (like a shitsubishi mirage? kia pride cd5?) kaya nahabol din. kung ganun wag na umovertake, gas saver mode ka muna.

    I go through F martinez everyday to work so I know what he is talking about. there's an entire lane there that almost cannot be used due to the unevenly placed concrete slabs covering the flood canal going to the Pasig River, effectively limiting the 3 lane road to a one lane road due to parked cars blocking the other lane. Pero super bhira naman trapik doon so just cruise along, mahirap din maging mabilis ka sa F. MArtinez kasi daming squatter dun na biglang tatawid, ung iba sleepwalking pa may tuwalya sa ulo at sipilyo sa bibig lalo na pag dumadaan ka dun ng maaga LOL.

  8. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    797
    #8
    Quote Originally Posted by Paolo123 View Post
    Hmm, the fact na naabutan ka nya ibig sabihin nun ay hindi worth it ang pag overtake mo. Baka hindi ganun kaluwag sa harap nya kaya mabagal lang ang takbo nya.
    nope maluwag, it's just that pain in the ass kasi yung ang takbo ng sasakyan mo pang-primera lang samantalang maluwag naman yung bandang unahan. well sa dulo (rotonda) syempre may build up din po.

  9. Join Date
    Jun 2010
    Posts
    797
    #9
    Quote Originally Posted by tanatej View Post
    Baka naman di rin ganun kabilis yung car niya sa motor (like a shitsubishi mirage? kia pride cd5?) kaya nahabol din. kung ganun wag na umovertake, gas saver mode ka muna.

    I go through F martinez everyday to work so I know what he is talking about. there's an entire lane there that almost cannot be used due to the unevenly placed concrete slabs covering the flood canal going to the Pasig River, effectively limiting the 3 lane road to a one lane road due to parked cars blocking the other lane. Pero super bhira naman trapik doon so just cruise along, mahirap din maging mabilis ka sa F. MArtinez kasi daming squatter dun na biglang tatawid, ung iba sleepwalking pa may tuwalya sa ulo at sipilyo sa bibig lalo na pag dumadaan ka dun ng maaga LOL.
    it won't be a gas saver lalo kung primera-segunda lang ang takbo mo. at pare, para ka naman taga-bundok, alam mo naman ang traffic build-up dito, talagang maabutan ka nun kahit 15km/h lang ang takbo mo.

    ang point ko lang, at least drive/cruise in a normal way, hindi yung matulin hindi rin yung sobrang bagal.

    naiisip mo yata kumakarera ako sa F.Martinez, daming squatter at dumadaan doon baka makasagasa pa ako. cruise speed doon around 40kph hindi 10kph na itinatakbo ng motor. doon din malapit ninang ko so bata palang ako alam ko na yung lugar na iyon boss.

    sige nga let us say na may Ferrari ka doon samantalang Multicab lang ang dala ko, at a normal day tingin mo ba mag-matter ang bilis ng kotse mo? may shitshubishi ka pang nalalaman.

  10. Join Date
    Apr 2009
    Posts
    1,677
    #10
    Quote Originally Posted by tanatej View Post
    Baka naman di rin ganun kabilis yung car niya sa motor (like a shitsubishi mirage? kia pride cd5?) kaya nahabol din. kung ganun wag na umovertake, gas saver mode ka muna.

    I go through F martinez everyday to work so I know what he is talking about. there's an entire lane there that almost cannot be used due to the unevenly placed concrete slabs covering the flood canal going to the Pasig River, effectively limiting the 3 lane road to a one lane road due to parked cars blocking the other lane. Pero super bhira naman trapik doon so just cruise along, mahirap din maging mabilis ka sa F. MArtinez kasi daming squatter dun na biglang tatawid, ung iba sleepwalking pa may tuwalya sa ulo at sipilyo sa bibig lalo na pag dumadaan ka dun ng maaga LOL.
    dude sa traffic dito maaabutan ka rin kahit matulin pa ang sasakyan mo. tsaka may thing ka ba sir sa mitsubishi, madami akong kilalang naka-mirage FYI para sabihing shitshubishi?? actually I owned 1 before kaya medyo nainis ako sa post mo. baka may makabasa pang taga mymitsu sa pinagsasabi mo hehe. baka mamaya nga ikaw vtec eh, vtec-leta. seriously, 1 lane lang madadaanan mo dito so kung isa lang ang bumagal, sigurado may buildup kaagad.

Page 1 of 2 12 LastLast

Tags for this Thread

Plate # UL 2607