kaninang umaga habang binabagtas ko yung F. Martinez avenue (papuntang makati) may biglang sumingit na motor galing sa pedestrian lane so biglang napatigil yung tricycle na nasa harap ko pati ako. later on, yung tricycle tumabi na (may nahanap yatang pasahero) so yung motorsiklo na ang nasa harap ko.
yung motor, umaandar lang nang 20-30kph sa gitna nang daan samantalang napakaluwag naman sa harap niya. hindi ako maka-overtake dahil kahit 2 lanes itong F.Martinez, yung isang lane eh maraming nakaparadang kung ano-anong sasakyan. so para malaman niya na medyo nagmamadali ako, bumusina ako nang mahina lang to show some courtesy. wala, talagang ayaw bilisan ang takbo. nagtagal pa nang mga 5-10 seconds na ganito at hindi na ako natutuwa sa kanya. ang galing sumingit tapos magdudulot nang trapiko dahil sa kabagalan.
tapos nung nagkaroon nang pagkakataon na maka-overtake, humarurot ako tapos balik sa lane ko (sa harap niya dahil nga maraming nakaparada sa isang lane). parang nayabangan siguro sa akin, so later on naabutan niya ako at ayun, ang sama nang tingin nang loko na talagang ikinainis ko. yung tipong maghahamon nang away. buti nalang at lumiko na yung loko sa isang street bago mag-rotonda.
anyway, ang akin lang naman, sana medyo gumilid lang siya dahil hindi naman kalakihan ang auto ko para makauna ako sa kanya, talagang gumitna pa kasi na napakabagal magpatakbo (pati nga yung delivery truck sa likod ko napapailing/kamot nang ulo, nakita ko sa rearview mirror ko). tapos nag-overtake lang ako, ako pa ang napasama hehe. oh well, only in the Philippines ika nga.



Reply With Quote

