Hello po fellow tsikoteers, di ko alam kung sa saang thread ko ito dapat i-post,
Nangyari po ito sa 3 kong kaibigan, someone (a 3rd party of the scam) offered them if they want their cars to be rented by a hotel (Astoria ang ginamit na hotel), for 1 month 70k. Puro foreigner guest lang ang gagamit around Metro Manila and maybe as far south as batangas.
Kompleto po ang papers , may kontrata pang pirmado ng lawyer nila. Ang offer kung gusto try muna ng 10 days at bibigyan ng 20k, then if ok, extend na lang ang kontrata to 1 month.
Bago kunin ang sasakyan, check up muna nila ODO reading, kung may dents, etc, lahat noted sa kontrata para pag soli daw, alam kung alin ang nasira sa kanila, at ang dati nang diperensya. W/in the month na nasa kanila ang sasakyan, sagot nila lahat ng maintenance at kung ano ano pa ang mangyayari sa sasakyan nyo.
Very tempting po di ba? Ano ang nangyari sa mga sumubok? after 10 days nakita pa nila yung mga sasakyan nila (sportivo, fortuner, nissan urvan, grandia) , nag renew sila to 1 month..
Nawawala na po sasakyan nila ngayon, nawawala na rin yung tao na kausap nila, ang sabi nung 3rd party, pati nga kotse nila nawawala na rin.
Nakapag sampa na ng demanda sa mga kasangkot, ang masakit, di pa rin nakikita ang mastermind at nawawala pa rin ang mga kotse, (if im not mistaken , kulang sampung units yun)
So mga kababayan, beware, di mo aasahan ang scam, ingats lagi, sabi nga sa isang palabas sa tv dito sa UK, if its too good to be true, then it ain't.
Munting babala lang po, drive safely and take care of yourselves and your rides.....![]()


Reply With Quote


