New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 31 of 65 FirstFirst ... 2127282930313233343541 ... LastLast
Results 301 to 310 of 646
  1. Join Date
    May 2004
    Posts
    903
    #301
    dapat baligtad gawin ninyo... sabihin ninyo para makatipid sabay siya sayo tapos singilin niyo ng fee... lets say pamasahe niya is P80.. sabay ka na lang sa aken para mas comfortable ka then aken na lang pamasahe mo.. hehehe.. so kung 4 sila may pang dagdag ka na sa Gas...

  2. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #302
    Quote Originally Posted by 1997 View Post
    dapat baligtad gawin ninyo... sabihin ninyo para makatipid sabay siya sayo tapos singilin niyo ng fee... lets say pamasahe niya is P80.. sabay ka na lang sa aken para mas comfortable ka then aken na lang pamasahe mo.. hehehe.. so kung 4 sila may pang dagdag ka na sa Gas...
    ang pagkakaintindi ko sa mga sumasabay na yan is "makatipid" sila, ayun success sila at nakatipid nga, pero di yata nila naiintindihan na fuel consumption naman natin ang tumataas,at kapag hiningan ng bayad yan, tiyak chismis agad yan

  3. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    21,667
    #303
    On emergency situations, I too wouldn't think twice helping a neighbor or a friend. Iba naman kasi yan sa "taking advantage" na ginagawa ng ibang colleagues natin.

  4. Join Date
    Feb 2012
    Posts
    1,722
    #304
    benta talaga nitong thread. hehe. makapag-contribute nga rin.

    dati meron ako nililigawan. okay naman kasi sumasama lagi sa invites ko. kung baga eh one foot inside the door na. then meron din akong friend (friend lang po talaga, mga coya) na sinasabay ko from their home then drop sa work nya, or vice-versa. sanay naman kasi ako sa mga nakikisabay/ nakikisakay dati pa since my first ever car. but then after a long while, di rin ako sinagot nung nililigawan ko. one time naglilinis ako ng sasakyan, napansin ko daming buhok - long, blonde hairs. nalaman ko sa friend ko pala iyon. me problema pala sa hairfall that time. napaisip tuloy ako di kaya yung buhok nya dumidikit dun sa niligawan ko, tapos tamang hinala pero di lang ako ma-confront? as i've said, long blonde hair pa naman... and maganda rin talaga si friend. di ko kasi napapansin dati na me mga ganung buhok-buhok since pag ako naglinis, surface wash lang talaga hanggang waxing. sa labas na lang nakakatikim ng vacuum cleaner sa loob. bale napasama pa tuloy pagmamagandang-loob ko kung ganun nga nangyari.

  5. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    2,113
    #305
    Quote Originally Posted by A121 View Post
    Naalala ko many moons ago nung bata pa ako, nagkasakit ako noon ng malala. Gabi noon at wala pa kaming sasakyan. Hinatid ako ng kapitbahay naming may kotse sa hospital. Naalala ko, inaabutan ng nanay ko ng pang-gas at meryenda. Hindi nya kinuha kasi oks lang daw.
    Ok lang yan ako nga 3 times na ko naging ambulansya, 1 stranger, 1 kapitbahay, 1 tao ko... for free lahat yun.

  6. Join Date
    Feb 2012
    Posts
    296
    #306
    mahirap talaga tumanggi sa magandang babae mag-ask makisabay

  7. Join Date
    Oct 2011
    Posts
    293
    #307
    Quote Originally Posted by Ponkan View Post
    mahirap talaga tumanggi sa magandang babae mag-ask makisabay
    Madali tumanggi kung may BF na. May motivation. Unlike pag single yung girl

  8. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #308
    Quote Originally Posted by Ponkan View Post
    mahirap talaga tumanggi sa magandang babae mag-ask makisabay
    MAS mahirap tanggihan pag natural na MAKAPAL ang mukha

  9. Join Date
    Mar 2012
    Posts
    448
    #309
    When I was working in New York, may Nakiki sabay din sa akin na social worker intern sa hospital. Almost 3 weeks ko na siya sinasabay kaya Lang nakita ni misis yung sinasabay ko. Nag away kami kasi magandang blonde yung intern and my wife thought I was having an affair with the intern. Turned out the intern had a crush on me kaya pala madalas makisabay. Kapag nag aaway kami ni misis, minsan naiisip ko makipagkita sa intern pero di talaga natutuloy dahil nagi-guilty ako hehehe

    When i was in college, may mga hinahatid akong kaklase hanggang monumento although taga abad santos lang kami. Ok lang dahil mga barkada ko talaga. Every friday, kumakain kami sa odd balls sa grand central mall pero nag LRT lang kami from DLSU... Hay, those were the days hehehe

    Fast forward today, wala namang nakikisabay sa akin unless ako mismo nag aalok. I guess nahihiya sila sa Boss hehehe

  10. Join Date
    Nov 2012
    Posts
    12
    #310
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    madali lang umiwas dyan. sabihin mo lang may lakad ka, dadaanan mo pa misis mo, o daanan mo anak mo sa school, mag-shopping ka, may kausap ka na kaibigan magkikita kayo. mas maganda yung regular na dahilan, like "pare hatid ko syota ko e...", tipong dyahe na makisabay siya. o kaya yung tipong pag sumabay siya e mapapalayo siya.

    buti sana kung chicks at naka-micro mini lagi ok lang.
    pag chicks like ng sinabi mo eh....full tank palagi ang sasakyan ko hehehehehe.

Tags for this Thread

pasabay naman hanggang kanto lang