New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 1 of 65 123451151 ... LastLast
Results 1 to 10 of 646
  1. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #1
    i dont know kung sa goon squad nga to, or sa miscellaneous

    sa office to

    na-experience niyo na ba ganito? na pag uuwi na kayo, "pre san daan mo, pasabay naman oh" at pag sinabi mo na "ok sige". magyayaya pa siya sabihin niya " ay salamat wait lang tawagin ko si **** sabay kasi kami eh," isang scenario lang yan. at napaka rami pang iba, andyan pa yung "tol daan ka coomonwealth diba? di ko kasi kabisado dun eh, pasabay naman"


    ok lang ba to sa inyo? sakin ok lang naman, pero kung araw-araw, aba ibang usapan na.

  2. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    2,053
    #2
    Madalas sa office yan... bad trip.
    Pag konti lang sa inyo ang may sasakyan sa office, automatically designated carpooler ka na.

    Paminsan-minsan, okay lang yon. Pasabayin mo na. Pero after one or two trips, magugulat ka regular na yung pagsabay. :D
    Tapos oo -- yung mga mahilig sumabay, mahilig din sila manghakot!

  3. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #3
    Quote Originally Posted by ess View Post
    Madalas sa office yan... bad trip.
    Pag konti lang sa inyo ang may sasakyan sa office, automatically designated carpooler ka na.

    Paminsan-minsan, okay lang yon. Pasabayin mo na. Pero after one or two trips, magugulat ka regular na yung pagsabay. :D
    Tapos oo -- yung mga mahilig sumabay, mahilig din sila manghakot!
    kaya minsan ayoko magdala ng oto eh, ang iniisip ko may mga sasabay nanaman.
    pag tumanggi ka naman sasabihin ang damot mo, at kung ano ano pa

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,780
    #4
    madali lang umiwas dyan. sabihin mo lang may lakad ka, dadaanan mo pa misis mo, o daanan mo anak mo sa school, mag-shopping ka, may kausap ka na kaibigan magkikita kayo. mas maganda yung regular na dahilan, like "pare hatid ko syota ko e...", tipong dyahe na makisabay siya. o kaya yung tipong pag sumabay siya e mapapalayo siya.

    buti sana kung chicks at naka-micro mini lagi ok lang.

  5. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    2,517
    #5
    Agree. Sa office nga madalas 'to. May ka-officemate akong mahilig sumabay sa akin kapag friday. Minsan tatawag pa yan sa phone: "Pre/ sir, what time out mo?". or "Sir, uuwi ka ba sa inyo? Pasabay naman ako hanggang sa Alabang". Minsan magbibitbit pa ng kasama. :hammer:

    Okay lang sana linggo-linggo, minsan mag-abot man lang sana ng pang-gas or pang-toll man lang.

  6. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,277
    #6
    Tsk yung yaya ng kapitbahay namin ganyan ginawa sa akin dati inaabangan lagi paglabas ko ng garahe pati pag-uwi school mate kasi ng anak ko yung alaga niya. Kupit na kasi niya yung pantraysikel nila ng bata. Yung pang third week nabuwisit na ako pag lumalabas ako ng garahe takbo kaagad di ko na pinapansin kahit sa school,

  7. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #7
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    madali lang umiwas dyan. sabihin mo lang may lakad ka, dadaanan mo pa misis mo, o daanan mo anak mo sa school, mag-shopping ka, may kausap ka na kaibigan magkikita kayo. mas maganda yung rehular na dahilan, yung tipong pag sumabay siya e mapapalayo siya.

    buti sana kung chicks at naka-micro mini lagi ok lang.
    kung ganyan, ako pa magyayaya

  8. Join Date
    Oct 2012
    Posts
    1,465
    #8
    Quote Originally Posted by crave View Post
    Agree. Sa office nga madalas 'to. May ka-officemate akong mahilig sumabay sa akin kapag friday. Minsan tatawag pa yan sa phone: "Pre/ sir, what time out mo?". or "Sir, uuwi ka ba sa inyo? Pasabay naman ako hanggang sa Alabang". Minsan magbibitbit pa ng kasama. :hammer:

    Okay lang sana linggo-linggo, minsan mag-abot man lang sana ng pang-gas or pang-toll man lang.
    sinubukan ko na yan dati, tatlo sumabay sakin, hanggang cubao lang daw. so nag pa gas muna ko, nag observe lang ako kung maglalabas ng pera, aba deadma ampot*. at mas nainis pa ko, cubao ibabaw daw siya, sabi ay iilalim ako, matraffic jan. nagrerequest pa, ano ko taxi,

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,780
    #9
    Quote Originally Posted by d'flash View Post
    kung ganyan, ako pa magyayaya
    hatid sundot pa hehehe!

  10. Join Date
    Aug 2008
    Posts
    2,517
    #10
    Quote Originally Posted by d'flash View Post
    sinubukan ko na yan dati, tatlo sumabay sakin, hanggang cubao lang daw. so nag pa gas muna ko, nag observe lang ako kung maglalabas ng pera, aba deadma ampot*. at mas nainis pa ko, cubao ibabaw daw siya, sabi ay iilalim ako, matraffic jan. nagrerequest pa, ano ko taxi,
    ganyan din ang ginagawa ko kapag may bagong nakikisabay sa akin. nagpapa-gas muna ako, kapag hindi nag-abot (kahit pa-consuelo de bobo man lang), asahan mong di ka na makakasabay sa akin.

    minsan nagalit pa sa akin yung isa kong ka-officemate kasi gusto niya sa Alabang ilalim ko siya ibaba, sabi ko ma-traffic doon kaya sa Festival Mall ko siya binaba. kinabukasan, di ako kinikibo. naknampucha tsinismis pa ako sa office na maarte daw ako. :hammer:

Page 1 of 65 123451151 ... LastLast

Tags for this Thread

pasabay naman hanggang kanto lang