Nakakatuwa kayo. Kaya ako pickup ang kinuha ko. Para pag me sasabay at hindi matangihan ang i hihirit ko lang eh. Sige pero di ubra sa loob. Dyan na lang kayo sa likod. Kuha na lang kayo ng maliit na stool. Mga 9/10 namamasahe na lang lol.
Sent from my GT-N7000 using Tapatalk 2
Totoo yan, mga tao ngayon hindi man lang mag abot ng pang toll. Ang naging solution ko dyan nainingil na ako. mas mura na kaunti sa colorum. Hindi sa pagdadamot yun. Para malaman nila na may ginagastos ko din sa auto mo.
hay ganito din problema ko,may isa ako classmate na palagi nakikisabay kahit hanggang sa kanto lang namin hanggang ngayon ,peru on the way naman siya kaya lang ayuko kasi may kasabay gusto ko kasi yung nag iisa sa sasakayan kapag pauwi na at relax ,kinig ng loud music kaya ako nag dadahilan palagi na may pupuntahan munang iba at mauna muna kayo , and pinapaiba ko yung schedule ng uwian ko![]()
Nakakapikon yung tipong nagparinig na ng share share nalang sa gas. Ni singko wala naman binigay. :banghead:
Di talaga makakaintindi ang tao hanggang di mo sabihin sa kanila, o maranasan nila na nasa katayuan mo. Pakiramdam ng lahat eh ayos lang kase may pambili ka ng kotse. Di nila narealize un hassle na dinudulot nila.
galing binyagan sa may cabuyao. may mga familiar faces akong nakita na classmate ng kumpare ko nung elementary ata. sabi ko... okay lang kasi pque lang naman ako, pwede ko silang ibaba ng sucat exit. lumayo nang lumayo ang usapan hanggang nakikiusap kung pwede ko daw ba sila ibaba ng festival mall. (swore that i'll never exit there after being caught in 2 hours of traffic the previous week) until one of them suggested na sa sakayan na lang ng van sila sa kanto sasabay.
ayun naman pala. hehehe. ayos lang.
yung katrabaho ko dati makikisabay kasama syota nya eh nung sasakay na pareho silang sa likod pupwesto e wala naman kaming ibang kasama kaya sinabihan ko "uy gagawin nyo naman akong driver", ang sagot sakin " e di ba ikaw naman talaga magdadrive?"
And what did you do about it? I hope you never let them hitch a ride with you again. Those people had absolutely no manners! Sana sinabi mo kung gusto niya sumakay sa likod, bumili siya sarili niyang auto at mag hire ng sarili niyang driver. Baka naman nag make out pa yan sa auto mo?!?! Bagay nga sila mag BF GF at parehong bastos. Uminit ulo ko :twak:
lumipat sa harap yung boy kasi pinalipat ni gf nya, uminit din ulo ko kaya lang naisip ko mukhang "igno" yata kasi parang nun lang nakasakay ng oto
Eh sa nakikisabay na nga mas marunong pa sa driver sa directions. Mali Mali naman tintuturo.
ako naman way back early 2000 wala pa kami kotse ni kumander, nun nag-rent pa kami ng house habang naglalakad kami palabas ng subd. dumaan un katabi namin tenant sa apartment naka kotse, bumusina naman tapos ng wave lang kami sa kanila then nun time nagkaroon na kami ng kotse un kumander nya di naman sa di inaalok makisakay kaso un tipong kausapin ka pa pede makisabay kasi wala mister nya para i-drive sya, dami beses nakisabay un samantalang kami nun wala kami car ni alok wala sa kanila isakay kami![]()