ewan ko lang kung ito ang tamang forum para dito. nitong mga nakaraang linggo kasi lagi kaming nagtatalo ng misis ko at mga sis ko tungkol sa hindi ko pag-abot ng barya sa mga mokong nato. katwiran ko kasi, madalas sa minsan hindi ko naman talaga kailangan ang tulong nila. ang kinabubuwistan ko sa mga ugok nato yung mag-isa ka lang nakaparada, tapos pag pabalik ka na sa sasakyan mo, bigla na lang may susulpot para mag assist sa kaya o kinaya mo namang gawin. o kaya hihingi ng barya sayo dahil binantayan daw nila ang sasakyan mo kahit hindi mo naman sila dinatnan doon o pumarada ka kasi sa "teritoryo" nila? simpleng kikil. may parking boy nga dito sa banawe na inaabutan ko pa minsan-minsan pero nanakawan pa rin ako ng side mirrors.
mapa jollibee, chowking, mcdo o saan man na may guard makikita mo pa rin mga to. ang worse lang naman na nangyari sakin tinapik ng malakas gilid ng sasakyan ko dahil hindi ako nag-abot.
para sakin kahit kaunting barya lang na ibinibigay mo, nangungunsinti ka na sa gawaing tamad at pambobo.