New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 19
  1. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    66
    #1
    Share ko lang po yung napakasaklap na nangyari sa akin sa auto shop na ito sa may proj 8 road 10 Q.C.

    I had a Vehicular accident last monday, march 16 (na post ko din po sa traffic,laws.. section). Yung traffic enforcer ang nagsabi sa akin na tutulungan niya daw ako and may alam siyang talyer na gagawa ng car ko. After mismo nung banggaan, hinatak nung nakabanggaan kong jeep yung car ko sa A.Palma auto shop mga 1:30am.

    Yung may-ari mismo ang kausap namin and nagpagawa me job estimate sa kanya. 45k ang tanggap daw nila sa sira ng car ko pero tataasan daw namin para pag tumawad yung operator ng jeep eh ok pa so ginawa niyang 64k. Nga pala buong front cut,fender,battery,fuse box,battery sira sa small body na corolla ko.

    Tapos eto na, sabi nung asawa niya na parang secretary niya din, kai
    langan daw akong mag down kahit 50% para daw maumpisahan na. Ang sabi ko naman eh wala akong pera kasi gusto kong mabayaran ako muna nung operator ng jeep para siya magbabayad lahat ng gastos ko. Sagot naman nung asawa sa akin eh mas ok daw na ipagawa ko na kasi matagal na process daw yun and sure naman na mananalo me. Sabi ko wala akong ganun kalaking pera meron ako 10k pero savings ko yun and hindi ko pwedeng galawin yun tapos sinabi ko na "try kong manghiram sa tita ko". So sabi niya sige kahit magkano lang daw muna bigay ko sa kanya. Eh masyadong hilo/shock pa ako sa pangyayari kaya sabi ko sige 1k lang pera ko dito kaya yung lang binigay ko sa kanya tapos ni-resebuhan niya ako na parang partial payment.

    Then tapos na yun nag pa medical na ako and balik ulit sa station ng police para sa statement ko and natulog na ako. Tanghali na ako nagising and nag text yung asawa sa akin na andun na raw yung mga parts and kung pwede magbigay daw ako kahit 15k. Sinabi ko nalang sa text na after lunch punta ako dyan.

    Pagpunta ko nag explain ako kung bakit nag order na sila and ang sabi sa akin eh yun daw pinagusapan namin which is kalokohan kasi kahit verbal hindi ko sinabi na e-order na nila yung parts ang sabi ko lang eh "ta-try kong mangheram...". So eto na kalbaryo ko. Ako kasi yung tao na gustong madaan sa mabuting usapan lahat and hindi mabilis mawala temper ko. Sabi nung babae sa akin na hindi na nila pwede ibalik yung parts sa supplier kesyo ganito,ganyan. Nagbigay siya ng mga option sa akin

    option 1:Since hindi na daw pwede ibalik parts, kahit hulugan ko nalang daw. Sabi ko sige for 2 months sabi niya sige pero eto catch...30% interest!!!

    option 2:Meron silang kilalang pwedeng mag loan sa akin ng pera pero nakasanla yung car ko sa kanila and siyempre may interest yun and hindi ko pwede makuha hanggat hindi ko nababayran yun utang ko

    option 3:pull out ko car pero i need to pay their supplier sa pag balik nila ng parts like restocking fee,gas,time,etc.

    Eto pa pinaka absurd sa lahat. Sabi ko pwede ho bang iwan ko nalang muna car ko dito? Sabi nung babae and eto verbatim talaga, "Sir baka magulat po kayo kung magkano storage fee namin dito".."5000 per day". Amf!!!! Para siyang nakikipagusap sa isang uhuging bata! Pero pinalagpas ko padin yun and still keep my cool.

    Ganito nalang sabi ko, pwede bang mag meet halfway nalang. Bilin ko nalang yung parts na kaya ko. Pumayag din siya and sabi niya hood and fender nalang bilin ko and yund front cut eh balik nalang daw nila and siya nalang daw haharap dun sa magagalit na supplier (parang na-ngonsiyensa pa!). Nagbigay ako ng 5k and may resibo and sabi sa akin sige tomorrow pwede na pull out car and pati parts dalhin ko na daw.

    So parang ok na lahat..wrong! Kingabihan nag text yung babae and sabi kailangan ko pa daw kumuha ng clearance sa pulis para ma pull out car ko and tungkol naman sa parts eh tom niya explain sa akin. Badtrip! parang nagbago ihip ng hangin. Nabuwisit na ako pati wife ko. Humingi na kami ng tulong sa kakilala namin retired colonel na si colonel madrid (sorry hindi ko po talaga siya kakilala yung mother in law ko nagpakilala sa kanya).

    So first thing in the morning mga 8am sinamahan kami ni tito colonel (sabi niya pakilala kaming pamangkin niya) sa pulis station muna. Ok naman usapan doon and sabi niya bakit kailangan pa daw clearance eh kotse ko naman yun. Sabi nung Sgt dun sir hindi na po kailangan clearance pwede niyo na kunin car dun sa shop. So tuloy kami sa shop. Wala dun yung 2 may ari. Kinontak pa namin sa phone. Yung mga tauhan nila ang nasindak ni tito colonel! hehe!

    Teka masyadong mahaba na story ko sorry po. Huling naging usapan namin nung lalaking may-ari was sige pwede ko ng pull out car ko pero kailangan ko daw mag bayad ng penalty na 3.5k dahil nga pinabalik ko yung parts na hindi ko naman inorder in the first place and 2.5k labor para lang baklasin yung mga sirang parts ng car ko. Umuulan noon plus nahihiya na rin ako kay colonel and magulo pa isip ko sa mga pangyayari kaya pumayag nadin me.

    So lumalabas na nauwi sa lahat yung 6k na nabigay ko. Charged to experience ika nga. haay buhay!

    sorry again sa napakahaba kong story.

  2. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    2
    #2
    Grabe naman yang may ari ng auto shop na mag-asawa na yan...

    Anyway thanks for this info Bro. I'm from Project 8

    Maybe someday baka kailangan ko din dalhin sa talyer auto ko.

  3. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    66
    #3
    *croce

    Sabi mo pa bro. yan yung tabi ng mercury drug corner ng shorthorn st.

    Malamang magka kunstaba yang shop na yan pati yung police station kasi magkalapit lang sila. Isa pa, tinanong sa akin nung enforcer kung bakit ko pinull out and kung how much daw binigay ko...

  4. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,410
    #4
    I think the police investigator and the Car Shop are in cahoots, and as far as the alibi that they can't return the parts that's absurd...the storage fee and extra fees that the shop is charging "extremely outrageous".

  5. Join Date
    Jul 2008
    Posts
    66
    #5
    *ans_lim168

    Mas ok pa sa kalooban ko na na punta nalang yung pera ko sa mga police para super expedite yung kaso ko and malamang magiging first name basis na kami ng mga nun. hehe!

    Ang mahirap tanggapin eh nauwi sa wala yung pera ko dahil sa panggigipit nung mag asawa na yun.

    Grabe talaga sila. Masisikmura nila na papakain nila sa mga anak nila yung perang galing sa ganoong paraan.

  6. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    116
    #6
    ansarap ipa BITAG nyan..with spycam, siguradong ikot tumbong ng mag asawang yan pag banat ni Ben Tulfo ng "never, never..ever do that! tandaan mo, binabantayan ka ng BITAG!"

  7. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #7

    Grabe naman ang mga iyan. Mahirap na ang buhay,- nangwawalanghiya pa sila ng kapwa....

    7707:band:

  8. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    8,451
    #8
    bro, holdap ang ginawa sa yo ah! kahit saan ka magpunta, magpapakawala ka ng pera. pero hindi man lang sila naawa sa kalagayan mo na nabangga ka na eh nakuha pa rin nila na lokohin ka. mga opportunista nga naman talaga...

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    21,384
    #9
    Tama ka TS. Mahirap din yung laging "magulo ang isip". Charged to experience na lang.........

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #10
    30% yung installment? mas mataas pa sila sa bangko ah.... sumbong mo sa DTI yan bro.

Page 1 of 2 12 LastLast
A.Palma Auto shop