To: Mods, paki move na lang po yung thread kung mali po yung section. thank you po.

Share ko lang nakakatuwa kong experience. Nung kelan lang i was apprehended for speeding. Palapit na ako sa pwesto nila saka ko naalala yung speed limit. So tumabi ako pero hind ako bumaba. Bumati naman yung enforcer then nag explain sa violation ko and sumang-ayon naman ako. Sila pa may sabi na anong gusto kong gawin, nagtanong ako kung pwede makiusap. Kaso hindi daw nila ako mapapayagan pagbigyan kasi may record sa camera nila. Sabi ko, "okay lang po, naiintindihan ko" tapos inulit ulit. Sabi ko naman "kung pwede po ako makiusap sa inyo na mapagbigyan ako, marami pong salamat. pero kung hindi po, naiintindihan ko po". Babayaran ko na lang po sa Metrobank yung penalty ko" Sabi nung enforcer, sige po ser, pasensya na po, pero P1000 po ito (infairness mabait yung enforcer), (natatawa lang ako sa isip ko, pero hindi ako makatawa kasi mainit ulo ko nung time na yun sa gumitgit sa akin, na hinabol ko na pinag awayan namin ng misis ko, kaya hindi ko napansin yung andar ko ) (back to story) Tapos umalis yung enforcer, kinausap yung bisor siguro nya yun...matagal din ng konte bago bumalik. Inantay siguro ako bumaba...and nanghihinayang siguro sa P1000 na ibabayad ko sa Metrobank, kasi malapit lang sila sa Metrobank naka puwesto. So ayun, explain ulit yung enforcer, tapos nag issue na ng ticket. humawak pa sa balikat ko na and sabi na "pasensya na po ser ha" "pwede nyo po wag muna bayaran yan, kahit pag nag renew na kayo magbayad" Sabi ko, eh baka magka-record ako, malapit lang naman dito ang Metrobank. sabi nya "hindi po, hindi naman po nagrerecord ang MMDA"

Pasensya na po kung nobela.