Utas ang isang abogado nang pagbabarilin ng isang electrical engineer na naka*duwelo nito matapos magtalo ukol sa nakakasilaw na headlight ng motorsiklo ng suspek, kahapon ng mada-ling-araw sa Caloocan City.
Agad na nasawi dahil sa iba’t ibang tama ng bala ng kalibre .45 baril ang biktimang si Nelson Belen, ng Block 1 Lot 5 Cardion Street, Senate Village 1, Brgy. 173, ng naturang lungsod.
Nagtamo naman ng tama ng bala sa paa ang suspek na si Andy Cristobal, 43, isang Overseas Filpino Worker (OFW), at nakaratay ngayon sa Philippine Orthopedic Hospital sa Quezon City.
Sa ulat ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang Mitsubishi Pajero sa may Senate Avenue pauwi ng bahay dakong alas- 12:15 ng madaling-araw nang masilaw siya sa LED headlight ng kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Cristobal at angkas na si Joseph Ochona.
Kinompronta ng abogado ang suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo. Umalis sa lugar ang dalawa at pareho ring bumalik na kapwa armado na ng baril.