I usually don't leave my Driver's License to the Guard's House (before entering a private road, subdivision or anyplace that require's ID). I submit my UMID instead. Nangyari na kasi minsan, na maling Dirver's License ang naibalik sa akin, at buti nalang nabawi ko the following day.

Pero minalas pa din, dahil minsan ng iniwan ko yung UMID ko sa isang subdivision sa Antipolo noong 2015, maling UMID ang naibalik sa akin ni manong guard. Nasa akin pa din yung maling UMID na naibigay, at di ko na din nabawi yung akin hanggang ngayon.

So, balik ulit ako sa pag gamit ng Driver's License.

Just recently, minalas ulit at di ko nadala ang Driver's License ko. Nagmamadali na kasi at malapit na subdivision lang naman ang pupuntahan. Pag dating sa gate, yung Company ID ko pinakita ko kay manong guard pero ayaw nyang tanggapin - DRIVER'S LICENSE DAW DAPAT. Bakit daw ako nagmamaneho kung wala akong license. =)

Nakiusap ako pero ayaw talaga. Di na din ako nakipagtalo. So, bumaba na lang kami at naglakad papasok ng subdivision. Ang nakakatawa nito, pumayag si manong guard na ipark at bantayan ang kotse sa tabi ng subdivision gate.

hehehe!