New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 23
  1. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    699
    #1
    Lulan ako ng isang bus kahapon papasok sa trabaho.

    Pagdating sa may PCU along taft avenue, may sumakay na mama
    na maayos naman ang pananamit at hindi naman sya mukhang pulubi.
    Nakapambahay lang sya. Sabay nagsalita ng "Kailangan ko po ng tulong niyo.
    Naka-weekly dialysis ho ang anak ko. 3500 po ang kailangan namin linggo linggo. Sana po matulungan niyo ako"

    Putik, angdaming nagbigay na mga pasehero. May nagbigay ng 100, 50 and 20. Siguro naka-500 to 800 yong mama. Hindi ako nagbigay kasi nakwento sa akin ng misis ko once na habang nakapila sila sa may SM Makati waiting for their shuttle service, meron ding mamang lumapit sa kanila at sinabi din na kailangan ng pera pang dialysis sa anak niya. Since puro magka-office mates silang nakapila doon, kilala nila ang isa't isa. Sinabihan ng isang officemate ni Misis na "bakit hindi ka sa PCSO humingi ng tulong". Nagalit pa daw yong Mama at sinabing marunong ka pa sa akin.

    Totoo man o hindi naka-dialysis ang anak nya, mukhang patok yong linya na yon. Bago sa pandinig at talagang kakagatin. Sooner or later, dadami na ang gagamit ng linya na 'to at mahahalata na ng tao na raket lang pala 'to ng mga manlilimos.
    Last edited by nels76; July 8th, 2010 at 08:06 AM.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,103
    #2
    rule of thumb ko, never ako nagbibigay sa mga naglilimos.

  3. Join Date
    Aug 2009
    Posts
    197
    #3
    Bagong raket na naman ah. daming talent talaga ng mga walangya dito sa pinas.

  4. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    2,938
    #4
    Gasgas na ata yung nadukutan sila at malayo pa ang uuwian nila.

  5. Join Date
    Dec 2009
    Posts
    82
    #5
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    rule of thumb ko, never ako nagbibigay sa mga naglilimos.
    +1 hindi mo rin kasi masasabi san nila gagamitin yung pera or baka miyembro sila ng syndicato. Minsan pagkain yung i-offer ko pero tinatanggihan nila.

  6. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    15,326
    #6
    madami na ding ganyan dito sa makati, sa kahabaan nang paseo.. usually lumalabas pag lunch break or pag uwian na.. mga naglalakad lakad.. may dala pang papel na reseta yata.. ganon din.. dialysis or chemotheraphy naman...

    hindi pa din nawawala yung bigla na lang lalapit sayo pag gabi tapos hihingi nang pamasahe.. usually may kasama pang bata.. yung iba may props pang lobo umattend daw nang party walang pamasahe pauwi..

    or nagbebenta nang rose or sampaguita.. tapos pag tumanggi ka.. penge na lang barya daw..

  7. Join Date
    Mar 2009
    Posts
    194
    #7
    eto naman, nakatamby kami sa petron q ave, then may lumapit sa amin nanghihingi ng tulong yung anak daw niya may sakit kailangan ng tulong, eh yung isang kasama ko ay staff ng BITAG, so tinanung niya yung nanghihingi ng tulong kung lumapit na raw sa pcso etc sabi oo, tapos sabi ng kaibigan ko magpunta na lang sa opisina ng BITAG para ma follow up yung request ( siya din kase umaasikaso sa mga nanghihingi ng tulong sa BITAG) aba ang ginwa nung nanghihingi ng tulong umalis na lang bigla.. tsk tsk modus nga...



    kaya gingawa ko pag may ganun sinasabi ko puntahan niya yung kaibigan kong staff ng BITAG para matulungan, binibigay ko name nung kaibigan ko so kung totoo man na nangangailangan ng tulong yung tao mas malaki matutulong nung referral ko kaysa sa 20 pesos na ililimos ko.

  8. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    631
    #8
    Scammers know that most Filipinos still have a kind heart that is why their depredations continue.

    By the way, I have had two unusual (to me at least) experiences with people asking for money.

    First was in Greenbelt around four years ago, it was late afternoon. A guy in his mid to late 40s approached me and asked for fare money because he claimed he lost his wallet. Not terribly unusual... except for one thing: he was a North American Caucasian! He was wearing smart casual (short polo tucked in, beige slacks, and brown leather shoes), and he spoke in an educated manner. At first I refused to give him money but he was insistent (but relatively polite) so I ended giving him twenty pesos just so he would leave me.

    The second was while walking along Buendia going towards South Super Highway around two or three years ago. It was night and very few people were around me. Just past Export bank, a somewhat tall Filipino guy with a bonnet approached me, and said "Sir, I'm sorry to bother you, but do you have some spare change for me?" I was taken aback because he looked like a street tambay but when he spoke, he had a nice inflection! He didn't sound like someone trained in a call center; he sounded like he was a well-mannered, well-educated, fluent person. Of course I was a bit troubled because no one was around the area... and he was taller than me, so I gave him a fistful of coins (mixed five and one peso coins, didn't really bother counting).

    Have any of you encountered similar stuff?

    I still do get the usual woman and child who need fare money, older guys who claim they have a sick child, and other similar stuff; but those two specific incidents really burned in my brain because of their being so unusual.

  9. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,773
    #9
    I would have given money as well if the guy used the dialysis excuse on me.

    *digitalron, something similar happened to me. I was in the grocery when a tall mestizo guy (not sure if he is caucasian or Filipino) approached me asking for P5 to pay for one small pack of Boy Bawang. He spoke well and said that he will give me back the P5 but he still has to get his money in the food court area. I didn't know how to react so I just gave him the P5. I probably look naive (or tatanga tanga? ) that's why he approached me.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    561
    #10
    Quote Originally Posted by nels76 View Post
    ...Hindi ako nagbigay kasi nakwento sa akin ng misis ko once na habang nakapila sila sa may SM Makati waiting for their shuttle service, meron ding mamang lumapit sa kanila at sinabi din na kailangan ng pera pang dialysis sa anak niya. Since puro magka-office mates silang nakapila doon, kilala nila ang isa't isa. Sinabihan ng isang officemate ni Misis na "bakit hindi ka sa PCSO humingi ng tulong". Nagalit pa daw yong Mama at sinabing marunong ka pa sa akin.
    Ilang beses ko na rin na-encounter yung nanghihingi sa SM Makati. Madalas kasi ako pumila before sa taxi queue sa SM, at madalas nandun nanghihingi ang isang mama na yung anak daw eh may leukemia. May mga dala siyang papeles (mukhang mga reseta atbp) tsaka picture ng anak niya.

    One time di ako nakatiis at tinanong ko rin na baket di siya lumapit sa PCSO para humingi ng tulong. Di naman nagalit, sinabi niya na may weekly transfusion daw sila at nahingi siya ng tulong para sa gamot. Di pa rin ako nagbigay though kasi I was thinking na you can never be sure kung gagamitin ba nila yung pera sa pagpapagamot.

Page 1 of 3 123 LastLast
New M.O. sa panlilimos (Naka-weekly dialysis daw ang anak)