New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 23

Threaded View

  1. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    699
    #1
    Lulan ako ng isang bus kahapon papasok sa trabaho.

    Pagdating sa may PCU along taft avenue, may sumakay na mama
    na maayos naman ang pananamit at hindi naman sya mukhang pulubi.
    Nakapambahay lang sya. Sabay nagsalita ng "Kailangan ko po ng tulong niyo.
    Naka-weekly dialysis ho ang anak ko. 3500 po ang kailangan namin linggo linggo. Sana po matulungan niyo ako"

    Putik, angdaming nagbigay na mga pasehero. May nagbigay ng 100, 50 and 20. Siguro naka-500 to 800 yong mama. Hindi ako nagbigay kasi nakwento sa akin ng misis ko once na habang nakapila sila sa may SM Makati waiting for their shuttle service, meron ding mamang lumapit sa kanila at sinabi din na kailangan ng pera pang dialysis sa anak niya. Since puro magka-office mates silang nakapila doon, kilala nila ang isa't isa. Sinabihan ng isang officemate ni Misis na "bakit hindi ka sa PCSO humingi ng tulong". Nagalit pa daw yong Mama at sinabing marunong ka pa sa akin.

    Totoo man o hindi naka-dialysis ang anak nya, mukhang patok yong linya na yon. Bago sa pandinig at talagang kakagatin. Sooner or later, dadami na ang gagamit ng linya na 'to at mahahalata na ng tao na raket lang pala 'to ng mga manlilimos.
    Last edited by nels76; July 8th, 2010 at 08:06 AM.

New M.O. sa panlilimos (Naka-weekly dialysis daw ang anak)