Hinahayaan ko lang din mga sumisingit. Sayang gas ko makipag gitgitan at ilang minuto lang magiging diperensya sa byahe. Ang ayaw ko lang garapal maningit like sa toll, parking, at pila sa overpass/underpass.

May nasakyan akong uv dati. Garapal sumingit sa left side ako nakaupo bandang gitna. Muntik pa mabunggo dahil biglang swerve. Kung di naka preno yung pickup ako natamaan doon hehe. Ayon hinabol ng pickup si manong driver hinaharangan pero di naman bumaba yung sa pickup.