[SIZE=2]nanakaw laptop at mp3 ko last night sa kwarto namin.. nabuksan bintana tapos voila! jackpot sa gadget ang loko! buti na-recover namin ni ma.. yung nagnakaw eh anak nung caretaker sa lupa sa likod ng bahay namin.. shete talaga sya! badtrip! eto ung whole story:
around 9pm nasa living room ako tapos si ma nagchachat eh nasa labas ng kwarto ung pc na gamit namin. May narinig ako na parang may nagkakalikot eh akala ko si ma un or baka sa kapitbahay kaya deadma lang. Maya-maya, pumasok ako sa kwarto tapos nanalamin. Nagtaka ako biglang humangin(hinagin ung blinds) eh sa pagkakaalam ko, nakasara yung windows. Nung tinaas ko yung blinds, half-opened yung sliding windows ng room namin then I asked my mom if she opened it. Sabi nya no. Tinignan ko ung mga cellphone ni ma andun nakalatag sa kama kaya i thought wala naman nangyari then tumitig sa bintana, then sa table sa tabi ng windows. Sh*t! ung laptop ko! Sabi ko "Ma nanakawan tayo! laptop ko!" hay.. takbo si ma guard then sa likod sinugod ung mag-asawang caretaker. Grabe naiwan ako sa bahay pero rinig na rinig ko boses ni ma galit na galit. Ung caretakers naman, walang alam kasi tulog sila. Witness namin ung guard sa likod. He told us na may guy na lumabas sa vicinity na un around 9:30pm. Yun pala eh kilala un ng guard. The guy was the eldest son of the caretakers. Sabi nung nanay, di naman daw totoo kasi di pa dumadating ung anak nila. kumakatok naman daw un everytime he arrives.
Pinahalughog ni ma ung lugar nila, ako naman nag-iisip sa bahay. Andun mga files ko. Pics, videos, documents, at MUSIC files. biglang naalala ko ung mp3 player ko katabi lang un ng laptop ko sabay sigaw ako sa likod "Ma! MP3 player ko nawawala din!" After a while ng paghahalughog, they found my laptop hidden under the basin sa labas ng bahay ng caretakers. Lakas ng sapak ni ma, rinig ko ung slap niya after sabihing "bag to ng anak ko(andun ung laptop at charger)! mga magnanakaw kayo!" (slap!).
Edi yun I locked our house sabay takbo sa likod. Andunun laptop ko naka-on na pero lowbat kasi kaya di un ganu nakalikot. Yung charger nasa kabilang bulsa na rin nakalagay. After that pinadampot ni ma ung mag-asawa para dalhin sa presinto. We headed back home to check kung may nawawala pa(wala naman na, ung dalawa lang) then we proceeded to the precinct. Tanggi talaga si manong at manang(napatunayan namin na wala pala talagang alam kasi maaga talaga natutulog ang mag-asawa) kaya pinapuntahan ni ma ung thief nilang anak(si Allan). Tapos umalis kami ni ma sa presinto to buy some food coz we haven't eaten dinner. When we got back, andun na si Allan nadampot na nung unang batch ng pulis na inutusan ni ma. Nagkasalisi. Ayun, ininterrogate ang loko hanggang umamin. gipit daw sya eh photographer naman trabaho nya. Bumalik na ung ibang pulis kasama ung parents nya. Di nga talaga alam nila manang na dumaating pala anak nila last night.
That time wala sa kanya ung mp3. Guess what? we found out na pinambayad nya un sa utang nya worth only Php500.00(utang na beers). Babayaran na lang daw nya ung mp3. Eh sabi namin 15k un. Hay shet! Sinong tanga magpapauto dun? buti nabawi pa sa tindahan nung pinabalik sya sa CAA(dun sya nakatira with his siblings) along with some policemen. Hay. Sa awa ni ma, pinatawad na lang pero blattered(tama ba spelling?) na sya and never na dapat ipakita ang pagmumukha nya sa amin. Ako naman relieved kasi nabalik na mga gamit ko. Thank God! This is the not the first time na manakawan kami pero this is the first time na nanakawan kami ng ibang tao.
Additional info: Madilim kasi sa likod bahay namin. Palagi napupundi ilaw na nilalagay namin doon. Sabi nung witness na guard,3 nights na palang nagpupunta si Allan sa bahay ng magulang nya then umaalis mga 3am na. Naka-chempo lang sya kagabi na wala kami ni ma sa kwarto kaya natangay mga gamit ko. Hindi rin naman sya makakapasok sa nabuksan niyang window kasi stuck un palagi. Hindi kasya katawan nya. Buti na lang talaga hinangin ung blinds(feeling ko nagparamdam si God o si papa na may nangyari) kasi hindi naman humahangin tuwing gabi on that part of our house.
[/SIZE]




Reply With Quote
