New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 13 1234511 ... LastLast
Results 1 to 10 of 126
  1. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    111
    #1
    [SIZE=2]nanakaw laptop at mp3 ko last night sa kwarto namin.. nabuksan bintana tapos voila! jackpot sa gadget ang loko! buti na-recover namin ni ma.. yung nagnakaw eh anak nung caretaker sa lupa sa likod ng bahay namin.. shete talaga sya! badtrip! eto ung whole story:

    around 9pm nasa living room ako tapos si ma nagchachat eh nasa labas ng kwarto ung pc na gamit namin. May narinig ako na parang may nagkakalikot eh akala ko si ma un or baka sa kapitbahay kaya deadma lang. Maya-maya, pumasok ako sa kwarto tapos nanalamin. Nagtaka ako biglang humangin(hinagin ung blinds) eh sa pagkakaalam ko, nakasara yung windows. Nung tinaas ko yung blinds, half-opened yung sliding windows ng room namin then I asked my mom if she opened it. Sabi nya no. Tinignan ko ung mga cellphone ni ma andun nakalatag sa kama kaya i thought wala naman nangyari then tumitig sa bintana, then sa table sa tabi ng windows. Sh*t! ung laptop ko! Sabi ko "Ma nanakawan tayo! laptop ko!" hay.. takbo si ma guard then sa likod sinugod ung mag-asawang caretaker. Grabe naiwan ako sa bahay pero rinig na rinig ko boses ni ma galit na galit. Ung caretakers naman, walang alam kasi tulog sila. Witness namin ung guard sa likod. He told us na may guy na lumabas sa vicinity na un around 9:30pm. Yun pala eh kilala un ng guard. The guy was the eldest son of the caretakers. Sabi nung nanay, di naman daw totoo kasi di pa dumadating ung anak nila. kumakatok naman daw un everytime he arrives.

    Pinahalughog ni ma ung lugar nila, ako naman nag-iisip sa bahay. Andun mga files ko. Pics, videos, documents, at MUSIC files. biglang naalala ko ung mp3 player ko katabi lang un ng laptop ko sabay sigaw ako sa likod "Ma! MP3 player ko nawawala din!" After a while ng paghahalughog, they found my laptop hidden under the basin sa labas ng bahay ng caretakers. Lakas ng sapak ni ma, rinig ko ung slap niya after sabihing "bag to ng anak ko(andun ung laptop at charger)! mga magnanakaw kayo!" (slap!).

    Edi yun I locked our house sabay takbo sa likod. Andunun laptop ko naka-on na pero lowbat kasi kaya di un ganu nakalikot. Yung charger nasa kabilang bulsa na rin nakalagay. After that pinadampot ni ma ung mag-asawa para dalhin sa presinto. We headed back home to check kung may nawawala pa(wala naman na, ung dalawa lang) then we proceeded to the precinct. Tanggi talaga si manong at manang(napatunayan namin na wala pala talagang alam kasi maaga talaga natutulog ang mag-asawa) kaya pinapuntahan ni ma ung thief nilang anak(si Allan). Tapos umalis kami ni ma sa presinto to buy some food coz we haven't eaten dinner. When we got back, andun na si Allan nadampot na nung unang batch ng pulis na inutusan ni ma. Nagkasalisi. Ayun, ininterrogate ang loko hanggang umamin. gipit daw sya eh photographer naman trabaho nya. Bumalik na ung ibang pulis kasama ung parents nya. Di nga talaga alam nila manang na dumaating pala anak nila last night.

    That time wala sa kanya ung mp3. Guess what? we found out na pinambayad nya un sa utang nya worth only Php500.00(utang na beers). Babayaran na lang daw nya ung mp3. Eh sabi namin 15k un. Hay shet! Sinong tanga magpapauto dun? buti nabawi pa sa tindahan nung pinabalik sya sa CAA(dun sya nakatira with his siblings) along with some policemen. Hay. Sa awa ni ma, pinatawad na lang pero blattered(tama ba spelling?) na sya and never na dapat ipakita ang pagmumukha nya sa amin. Ako naman relieved kasi nabalik na mga gamit ko. Thank God! This is the not the first time na manakawan kami pero this is the first time na nanakawan kami ng ibang tao.

    Additional info: Madilim kasi sa likod bahay namin. Palagi napupundi ilaw na nilalagay namin doon. Sabi nung witness na guard,3 nights na palang nagpupunta si Allan sa bahay ng magulang nya then umaalis mga 3am na. Naka-chempo lang sya kagabi na wala kami ni ma sa kwarto kaya natangay mga gamit ko. Hindi rin naman sya makakapasok sa nabuksan niyang window kasi stuck un palagi. Hindi kasya katawan nya. Buti na lang talaga hinangin ung blinds(feeling ko nagparamdam si God o si papa na may nangyari) kasi hindi naman humahangin tuwing gabi on that part of our house.
    [/SIZE]

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,310
    #2
    si ma ay nanay mo?

    better have grills installed sa mga windows nyo lalo na kung madilim sa likod bahay

  3. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,343
    #3
    Quote Originally Posted by samejicon View Post
    [SIZE=2]
    Additional info: Madilim kasi sa likod bahay namin. Palagi napupundi ilaw na nilalagay namin doon. Sabi nung witness na guard,3 nights na palang nagpupunta si Allan sa bahay ng magulang nya then umaalis mga 3am na. Naka-chempo lang sya kagabi na wala kami ni ma sa kwarto kaya natangay mga gamit ko. Hindi rin naman sya makakapasok sa nabuksan niyang window kasi stuck un palagi. Hindi kasya katawan nya. Buti na lang talaga hinangin ung blinds(feeling ko nagparamdam si God o si papa na may nangyari) kasi hindi naman humahangin tuwing gabi on that part of our house.
    [/SIZE]
    malamang nagmatyag sa bahay-bahay sa paligid yun for 3 days(kasama na peeping tom)

    the best bro alaga ka ng aso. at ganyang di naman sya naparusahan baka bumalik yan o maekwento nya sa ibang mas halang ang bituka na barkada nya. iba na kasi takbo ng isip nila pag HIGH na eh. delicado talaga.

    at ang the best na pang-defensa na baril sa bahay ay shotgun. mas may impact sa mga halang ang bituka kasi malaking baril and it really mean business pag nakita nila. -very obvious na di sila sasantuhin.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,038
    #4
    Quote Originally Posted by mhelskie View Post
    si ma ay nanay mo?
    ito rin una kong napansin....hehehhe

    I really don't know if you can still trust your caretakers (parents), I mean kahit papano eh sasama rin loob nila dahil sila ang pinagbintangan niyo and meron pang sampal from your MA....

    wala ba kayong ibang kasama sa bahay?

    I think you need to beef up your security....

  5. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    820
    #5
    How the hell was he able to open the windows from outside?

    This happened to my sister laptop. Iniiwan kasing bukas yung windows...hayun..kasiya yung laptop thru the window grill. Naiwan yung charger.

    Anyway..lessons learned..always lock the windows. Make sure it cannot be opened from the outside..remember - nothing can stopped a determined thief..what we can do is only to deter or avoid temptation.

    Another thing..yung meron mga A/C dyan..make sure may Metal Grill din yan..kasi minsan dyan dumadaan ang mga magnanakaw...itutulak lang A/C..pasok na sila.

  6. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #6

    Bro.,- saang subdivision ka sa LPC?.... Baka magkapitbahay lang tayo.....

    Ingat lang palagi.... Maraming magnanakaw para suportahan ang bisyo...
    (Hindi ba delikadong nandiyan pa rin ang inyong caretakers? Baka lang kasi gumanti iyan. At guwardiya ninyo ba ang sinasabi mo?)

    5404:knit:

  7. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    56,673
    #7
    Take extra precaution. Guy might try to get back you. SOmetimes it pays to be a bit more paranoid.

  8. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    111
    #8
    mhelskie:
    opo, nanay ko yun.

    dbuzz:
    mabigat po yung shotgun. girls kami sa bahay.

    shadow:
    dalawa lang po kami ng mama ko sa bahay.

    dont:
    wala po kaming grills. tiwala kasi masyado sa caretakers and tiwala din sa pagbabantay ng guard.

    CVT:
    bf executive triangle kami..
    yung caretakers,matanda na sila..naaawa si ma kasi wala naman kasalanan at walang kaalam-alam yung mag-asawa na ganun ang anak nila tapos palalayasin pa namin.. sapat na daw na blattered muna at kapag bumalik pa eh ipapakulong na agad..
    guard sa gate malapit sa kanila(caretakers) yung witness..

    flattering:
    oo..sinampal niya pareho nung makita yung laptop ko.. sobrang galit yun.. vaio kasi laptop ko.. tinakpan kasi ng mga planggana, eh naghalungkat din dun yun mga baranggay, pulis, at mga guard..

    cathy:
    opo. naghahanap na po kami ng grills, aso at baril for safety.

  9. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,343
    #9
    Quote Originally Posted by samejicon View Post
    mhelskie:
    opo, nanay ko yun.
    dbuzz: mabigat po yung shotgun. girls kami sa bahay.
    shadow:dalawa lang po kami ng mama ko sa bahay.
    dont: wala po kaming grills. tiwala kasi masyado sa caretakers and tiwala din sa pagbabantay ng guard.
    CVT:bf executive triangle kami..yung caretakers,matanda na sila..naaawa si ma kasi wala naman kasalanan at walang kaalam-alam yung mag-asawa na ganun ang anak nila tapos palalayasin pa namin.. sapat na daw na blattered muna at kapag bumalik pa eh ipapakulong na agad..
    guard sa gate malapit sa kanila(caretakers) yung witness..
    flattering:oo..sinampal niya pareho nung makita yung laptop ko.. sobrang galit yun.. vaio kasi laptop ko.. tinakpan kasi ng mga planggana, eh naghalungkat din dun yun mga baranggay, pulis, at mga guard..

    cathy:
    opo. naghahanap na po kami ng grills, aso at baril for safety.

    sis samejicon, kung sakaling bumalik dyan, sana ma identify sya ng guard ng subdivision kasi papalit-palit nga guard eh at lalo na kung magpalipas ng panahon muna yan. kaya sana nahanap nyo na at mayron na kayong pang deter. mahirap magtiwala sis kaya mabuti na yung alerto.

  10. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    565
    #10
    Quote Originally Posted by samejicon View Post
    mhelskie:
    opo, nanay ko yun.

    dbuzz:
    mabigat po yung shotgun. girls kami sa bahay.

    shadow:
    dalawa lang po kami ng mama ko sa bahay.

    dont:
    wala po kaming grills. tiwala kasi masyado sa caretakers and tiwala din sa pagbabantay ng guard.

    CVT:
    bf executive triangle kami..
    yung caretakers,matanda na sila..naaawa si ma kasi wala naman kasalanan at walang kaalam-alam yung mag-asawa na ganun ang anak nila tapos palalayasin pa namin.. sapat na daw na blattered muna at kapag bumalik pa eh ipapakulong na agad..
    guard sa gate malapit sa kanila(caretakers) yung witness..

    flattering:
    oo..sinampal niya pareho nung makita yung laptop ko.. sobrang galit yun.. vaio kasi laptop ko.. tinakpan kasi ng mga planggana, eh naghalungkat din dun yun mga baranggay, pulis, at mga guard..

    cathy:
    opo. naghahanap na po kami ng grills, aso at baril for safety.
    if you will get a gun, make sure you take the proper training on how to use it, baka sa inyo gamitin pag nagkataon...

Page 1 of 13 1234511 ... LastLast
Nanakawan kami last night