New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 20 of 101

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    195
    #1
    went here kanina lang around 5 pm. sa parking pa lang pahirapan na kasi merong sale ang sm dto sa taytay. after ko ma park yung sasakyan, diretso sa hypermarket para mag grocery for 1 month supply namin sa bahay. pagkatapos kong makumpleto dalawang cart na dala dala ko ay dumeretso ako sa medyo less ang taong nakapila pero kahit papaano ay mahaba pa rin ang pila. after 10-15 mins ay turn ko na sa counter. scan ni cashier yung mga grocery items at pagkatapos ma tally ay biglang sabi ng...."Sir your total bill is 12,+++ blah blah blah." so inabut ko agad yung credit card ko pero di natapos dun ang story. itong si cashier ay biglang tumawag sa office so nagtaka ako kaya nagtanong ako kung may problema ba sa card ko. di umimik at pagkatapos makausap yung boss nya ata sa line eh biglang nagsabi ng " Sir, pwede po bang makahingi ng valid id?". no problem pa rin sa akin inisip ko na lang na part yun ng security measure nila para sa mga nagkalat na counterfeit/stolen cards. so yun ibinigay ko pero biglang dumating yung bisor at biglang sabi ng "Sir, dito na lang po tayo sa customer service kc kailangan pa pong itawag yung card sa bank". napaisip na ko kc parang may kakaiba sa mga kinikilos ng mga staff at cashier. so sumunod ako sa bisor kasama ng mga bagers ng sm na tila naging escort ko papuntang customer service. pagkapunta ko sa customer service ay nagsalita yung isang bager "sir sandali lang po bi ni verify lang po yung card nyo." sa bandang yun di ko na naitago yung pag kainis ko kc inabot ako ng 20 mins sa customer service para lang sa verification ng card ko. tapos nagsalita yung bisor na lahat daw ng 6 thousand pesos patataas na credit card purchases ay dumadaan sa ganitong procseso. so ayun tapos na so eto na yung dalawang mokong na bager at dala dala yung dalawang cart ng grocery ko at ng akala kong wala ng aberya, bigla namang humarang itong si gwardya at sabi sa kin ng "sir pwede po bang makita yung resibo ng pinamili nyo?" dito na ko talagang nabwisit at dinuro ko at minura yung gwardya pati na yung mga tao sa customer service. nakaka walang gana kasi yung aberyang binibigay nila sa akin. so maraming naki usyoso at may nagtanong sa king matanda kung bakit ano raw problema. kaya sinabi ko yung mga nangyari pero mas nanggigil ako ng marinig ko mismo dun sa matandang kausap ko na siya rin daw mismo ay credit card ang ginamit na pambayad at umabot ang bill niya sa 8 thousand pesos pero naging smooth naman ang transaction nya sa mismong cashier at di na siya dumaan pa ng customer service para i verify yung identity niya sa card niya. akala ko ba 6 thousand pataas kailangang pumunta sa customer service para verification ng card. dito ko na kinompronta yung mga empleyado at pinapatawag ko yung manager nila. nagmukha lang akong tanga sa kahihintay kc walang dumating na manager at pati yung bisor na kani-kanina lang ay naki epal ay di na rin mahagilap. kaya ang ginawa ko, kinuha ko yung dalawang cart ko dun sa dalawang bager at sabay sabi ng "wala kayong makukuhang tip sa kin kaya bitawan ninyo yang mga pinamili ko mga g*g*!!! ang sa akin lang naman, ok lang kung talagang may ganitong policy pero dapat ipatupad sa lahat ng shoppers at hindi dun sa mapag tripan lang nila. wala namang ganitong policy sa sm hypermarket pasig, sm megamall, sm makati, etc. ano ba ang meron sa taytay na kung kayat pati resibo ay di no double check nila kung tama yung binayaran mo sa cashier? kaya ba nilang gawin ito sa mga taga valle verde sa pasig? mga to? o kahit saang sm na ang market nila ay puro class A? salamat po sa pagbabasa!

  2. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    3,306
    #2
    Kakainis nga pero dahan dahan lang..baka mahighblood ka masyado

  3. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    460
    #3
    Kawawa naman ang mga bagger at Gwardiya namura't naduro ng walang kamalay malay. Mali ka dun bro. Swerte ka hindi ka pinatulan. Hindi sila dapat ang pinagbuntunan mo ng galit. Lagay mo na lang sarili mo dun sa bagger/gwardiya na dinuro't minura mo. Aba baka gumanti ka.

  4. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    195
    #4
    Quote Originally Posted by rst619 View Post

    madaling sabihin bro pero mahirap gawin. ilagay mo rin ang sarili mo sa sitwatsyong ganong karaming aberya.

  5. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    460
    #5
    Alin ang mahirap gawin? Pigilan ang pagmumura at panduduro sa mga walang kinalaman? Di ko naman sinabing wala kang karaparatang magalit e. Ilagay mo lang sana sa lugar. anyway, thats just me and thats just you. peace

  6. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    457
    #6
    ang alam ko sa SM tatay hypermart, mga tao dun mahilig mang-apak ng paa. subukan nyo mag-gorcery dun, sigurado puro marka ng sapatos shoes nyo. parang walang pakelam mga tao dun, hindi pa ganun ka-civilized

  7. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    171
    #7
    lolz, okay sa banat tong si koya ringo ah hehe... double.

    ts,
    sana di mo na lang minura koya, tsaka wala naman silang malay e hehe, ginagawa lang nila ang trabaho nila. sayang naman at napagod ka pa, bagger naman sila trabaho nila un e, kahit di mo bigyan ng tip. baka naman kase may kahinahinala sa card mo kaya chineck ulit. baka lang ha...

  8. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    195
    #8
    Quote Originally Posted by rst619 View Post
    Alin ang mahirap gawin? Pigilan ang pagmumura at panduduro sa mga walang kinalaman? Di ko naman sinabing wala kang karaparatang magalit e. Ilagay mo lang sana sa lugar. anyway, thats just me and thats just you. peace
    well wala naman akong intention na makipag talo whether im wrong or not in that situation. sometimes kasi ay may mga situation talagang nasa pick ka ng matinding tensyon. kung mali man ako sa nagawa ko sa kanila ay pwede ko ring masabing may mali din sila pang iipit nila sa akin. by the way ang card ko ay bdo credit card na mismong affiliate din nila. nung una kasi eh bpi classic credit card ang inilabas ko pero nagbago ako ng isip kasi mas lalaki ang points ko sa sm advantage kung bdo gold mastercard ang gagamitin ko kaya yun ang ibinigay ko. siguro dun sila nagduda. ang mali lang nila ay ginawa akong tanga sa kakatanong sa kahera kung anong problema na di naman ako sinagot at hinintay pa yung bisor. dun naman sa pagmumura ko, eh talagang napikon na kasi ako dun sa pang hihingi ng gwardiya sa resibo ng mga pinamili ko eh, anong magagawa ko kung sumabog na ang temper ko. tao lang po kasi ako at nabubuwisit din paminsan minsan. dun naman sa dalawang bager, nainis na din ako kasi parang nag sesenyasan sa isa't isa na parang isa akong criminal na napapagitnaan nila. ito kasi ang mga nangyari before the grocery incident. pls take note. 10-15 mins. traffic sa tikling from antipolo due to manila water's cementing of roads, pag dating sa parking almost 20 mins humanap ng parking due to sm 3 day sale, sumabog na talaga ako dun sa aberya sa grocery kaya pasensya. tao lang po kasi ako at marunong mapuno at magalit. lahat naman tayo ay nagkakaroon ng ganyang experience at pagkakamali paminsan minsan. wala pong taong anghel. salamat po. pahabol lang, tingin mo ba bro wala ako sa lugar para magalit? sabi mo nga its just you and this is me. anghel ka ba bro?
    Last edited by carbomb; April 8th, 2008 at 11:58 AM. Reason: dagdag

  9. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    195
    #9
    tingin ko dito ay ginagawa lang nila itong policy na to sa mga suburban areas like taytay wherein most of the crowds are in the class c, d and e. i will bow my heads (take note, heads with s! ha ha) to sm management if they can do that also to sm hypermarket pasig, megamall, wherein most of their patrons are coming from exclusive subdivisions like corinthians, acropolis, vale verde, etc. yung receipts na lang medyo nakaka insulto na, binayaran mo na nga eh tapos titignan pa nila kung tama yung resibo sa mga pinamili mo. di na ko mamimili dito! up your sm taytay

  10. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    460
    #10
    Quote Originally Posted by carbomb View Post
    pahabol lang, tingin mo ba bro wala ako sa lugar para magalit? sabi mo nga its just you and this is me. anghel ka ba bro?
    Bakit sinabi ko bang hindi ka dapat nagalit?

    saka bakit napikon ka ba sa sagot ko?

  11. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    3,600
    #11
    Carbomb and Rst619 easy lang kayong dalawa.

    *Rst619 pagpasensiyahan mo na mainit pa siguro ang ulo. You know better than to add fuel to the fire. Let him calm down first.

    *Carbomb we can understand na mainit ang ulo mo but I think Rst619 was just saying his own opinion, wag mo na gawing personal. Tandaan mo this is a public forum, you're posting here commands the responsibility that you can also accept criticism from others.

    I hope you get the chance to talk to whoever is responsible for your treatment, give them a piece of your mind and considering the amount of groceries you purchased they should even be treating you well that you spent that much. However, what others here have said regarding you're taking it out on innocent collaterals (like the baggers, the guard, etc) was ethically and socially wrong. Like Redorange said it doesn't help the problem.

    File a formal complaint to the corporate office and go from there, rather than vent here and pick fights with people you don't even know.

  12. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    133
    #12
    i didnt know that SM have this policy. Im glad that i do my grocery at Rustan's. peace!

  13. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    97
    #13
    You had every right to be angry. But that doesn't give you the right to treat the guard and bagger that way. They were just doing their jobs at hindi ikaw nagpapakain sa kanila. There might also be kids there who heard what you said and it might give the wrong impression to their young minds.

  14. Join Date
    Oct 2006
    Posts
    171
    #14
    Well it happen to me also on that sm taytay 4 day sale but on monday which was declared a holiday in lieu of april 9 kaya less people na. What the cashier told me is they check by calling the credit card company for over P10K plus 1 valid ID. Yes they politely offered me to sit down as it may take 5 to 10 mins. The customer service manager also suggested sir next time just close and pay the transaction when you reach P5K and use another credit card for the next para less hassle and sometime you will get 2x premium item if there are in store promo based on single receipt transaction which is a good service advise. In general SM just like BDO and HSBC are rated high in quality customer service.

  15. Join Date
    May 2008
    Posts
    2
    #15
    Quote Originally Posted by carbomb View Post
    went here kanina lang around 5 pm. sa parking pa lang pahirapan na kasi merong sale ang sm dto sa taytay. after ko ma park yung sasakyan, diretso sa hypermarket para mag grocery for 1 month supply namin sa bahay. pagkatapos kong makumpleto dalawang cart na dala dala ko ay dumeretso ako sa medyo less ang taong nakapila pero kahit papaano ay mahaba pa rin ang pila. after 10-15 mins ay turn ko na sa counter. scan ni cashier yung mga grocery items at pagkatapos ma tally ay biglang sabi ng...."Sir your total bill is 12,+++ blah blah blah." so inabut ko agad yung credit card ko pero di natapos dun ang story. itong si cashier ay biglang tumawag sa office so nagtaka ako kaya nagtanong ako kung may problema ba sa card ko. di umimik at pagkatapos makausap yung boss nya ata sa line eh biglang nagsabi ng " Sir, pwede po bang makahingi ng valid id?". no problem pa rin sa akin inisip ko na lang na part yun ng security measure nila para sa mga nagkalat na counterfeit/stolen cards. so yun ibinigay ko pero biglang dumating yung bisor at biglang sabi ng "Sir, dito na lang po tayo sa customer service kc kailangan pa pong itawag yung card sa bank". napaisip na ko kc parang may kakaiba sa mga kinikilos ng mga staff at cashier. so sumunod ako sa bisor kasama ng mga bagers ng sm na tila naging escort ko papuntang customer service. pagkapunta ko sa customer service ay nagsalita yung isang bager "sir sandali lang po bi ni verify lang po yung card nyo." sa bandang yun di ko na naitago yung pag kainis ko kc inabot ako ng 20 mins sa customer service para lang sa verification ng card ko. tapos nagsalita yung bisor na lahat daw ng 6 thousand pesos patataas na credit card purchases ay dumadaan sa ganitong procseso. so ayun tapos na so eto na yung dalawang mokong na bager at dala dala yung dalawang cart ng grocery ko at ng akala kong wala ng aberya, bigla namang humarang itong si gwardya at sabi sa kin ng "sir pwede po bang makita yung resibo ng pinamili nyo?" dito na ko talagang nabwisit at dinuro ko at minura yung gwardya pati na yung mga tao sa customer service. nakaka walang gana kasi yung aberyang binibigay nila sa akin. so maraming naki usyoso at may nagtanong sa king matanda kung bakit ano raw problema. kaya sinabi ko yung mga nangyari pero mas nanggigil ako ng marinig ko mismo dun sa matandang kausap ko na siya rin daw mismo ay credit card ang ginamit na pambayad at umabot ang bill niya sa 8 thousand pesos pero naging smooth naman ang transaction nya sa mismong cashier at di na siya dumaan pa ng customer service para i verify yung identity niya sa card niya. akala ko ba 6 thousand pataas kailangang pumunta sa customer service para verification ng card. dito ko na kinompronta yung mga empleyado at pinapatawag ko yung manager nila. nagmukha lang akong tanga sa kahihintay kc walang dumating na manager at pati yung bisor na kani-kanina lang ay naki epal ay di na rin mahagilap. kaya ang ginawa ko, kinuha ko yung dalawang cart ko dun sa dalawang bager at sabay sabi ng "wala kayong makukuhang tip sa kin kaya bitawan ninyo yang mga pinamili ko mga g*g*!!! ang sa akin lang naman, ok lang kung talagang may ganitong policy pero dapat ipatupad sa lahat ng shoppers at hindi dun sa mapag tripan lang nila. wala namang ganitong policy sa sm hypermarket pasig, sm megamall, sm makati, etc. ano ba ang meron sa taytay na kung kayat pati resibo ay di no double check nila kung tama yung binayaran mo sa cashier? kaya ba nilang gawin ito sa mga taga valle verde sa pasig? mga to? o kahit saang sm na ang market nila ay puro class A? salamat po sa pagbabasa!

    eh may mali ang sm dun, kasi pinag antay ka niya.. pero parang mali namang minura at dinuro mo sila dun.. balita ko nga nag 4 day sale dun, at madaming tao... ngarag na siguro sila kaya nataranta.. anong date ka ba namili dun carbomb?.. nandun ako nung last day ng sale eh.. ikaw?

  16. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    195
    #16
    sunday yun. ma trapik dun sa tikling that day due to manila waters construction of roads. well, sa incident naman, di ko naman talagang ginustong murahin yung gwardiya, masama kasing makatingin na parang isa akong shoplifter. ayun lang talaga ang nag pakulo ng ulo ko. magkakaiba talaga ang customer care ng sm depende sa location and to support my opinion, ka ka grocery lang namin ng family ko sa pasig hypermarket, kasama ko pa yung youngest son ko na nakasakay pa sa stroller at very courteous pa sa pag assists yung guard dun sa entrance ng grocery.

  17. Join Date
    May 2008
    Posts
    2
    #17

    ah ganon ba?.. yun yatang day na yun yung may aksidente sa tikling eh.. natapatan ka lang siguro ng checking.. eh sa hyper pasig ka pala namimili eh, bakit namimili ka pa sa taytay?.. taga san ka ba?..

  18. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    457
    #18
    i also frequent sm hypermart tiendesitas.

    basta ganito lang if you happen to be in MRT Edsa Crossing Station and you get to visit 3 surrounding malls:
    sm hypermart tiendesitas is like shangrila
    sm taytay is like Manuela or Edsa-central Mall

    ganyan ang feeling, ganyan ang aura

naka ka highblood mag grocery sa sm hypermarket taytay!!!