New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 11 12345 ... LastLast
Results 1 to 10 of 101
  1. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    195
    #1
    went here kanina lang around 5 pm. sa parking pa lang pahirapan na kasi merong sale ang sm dto sa taytay. after ko ma park yung sasakyan, diretso sa hypermarket para mag grocery for 1 month supply namin sa bahay. pagkatapos kong makumpleto dalawang cart na dala dala ko ay dumeretso ako sa medyo less ang taong nakapila pero kahit papaano ay mahaba pa rin ang pila. after 10-15 mins ay turn ko na sa counter. scan ni cashier yung mga grocery items at pagkatapos ma tally ay biglang sabi ng...."Sir your total bill is 12,+++ blah blah blah." so inabut ko agad yung credit card ko pero di natapos dun ang story. itong si cashier ay biglang tumawag sa office so nagtaka ako kaya nagtanong ako kung may problema ba sa card ko. di umimik at pagkatapos makausap yung boss nya ata sa line eh biglang nagsabi ng " Sir, pwede po bang makahingi ng valid id?". no problem pa rin sa akin inisip ko na lang na part yun ng security measure nila para sa mga nagkalat na counterfeit/stolen cards. so yun ibinigay ko pero biglang dumating yung bisor at biglang sabi ng "Sir, dito na lang po tayo sa customer service kc kailangan pa pong itawag yung card sa bank". napaisip na ko kc parang may kakaiba sa mga kinikilos ng mga staff at cashier. so sumunod ako sa bisor kasama ng mga bagers ng sm na tila naging escort ko papuntang customer service. pagkapunta ko sa customer service ay nagsalita yung isang bager "sir sandali lang po bi ni verify lang po yung card nyo." sa bandang yun di ko na naitago yung pag kainis ko kc inabot ako ng 20 mins sa customer service para lang sa verification ng card ko. tapos nagsalita yung bisor na lahat daw ng 6 thousand pesos patataas na credit card purchases ay dumadaan sa ganitong procseso. so ayun tapos na so eto na yung dalawang mokong na bager at dala dala yung dalawang cart ng grocery ko at ng akala kong wala ng aberya, bigla namang humarang itong si gwardya at sabi sa kin ng "sir pwede po bang makita yung resibo ng pinamili nyo?" dito na ko talagang nabwisit at dinuro ko at minura yung gwardya pati na yung mga tao sa customer service. nakaka walang gana kasi yung aberyang binibigay nila sa akin. so maraming naki usyoso at may nagtanong sa king matanda kung bakit ano raw problema. kaya sinabi ko yung mga nangyari pero mas nanggigil ako ng marinig ko mismo dun sa matandang kausap ko na siya rin daw mismo ay credit card ang ginamit na pambayad at umabot ang bill niya sa 8 thousand pesos pero naging smooth naman ang transaction nya sa mismong cashier at di na siya dumaan pa ng customer service para i verify yung identity niya sa card niya. akala ko ba 6 thousand pataas kailangang pumunta sa customer service para verification ng card. dito ko na kinompronta yung mga empleyado at pinapatawag ko yung manager nila. nagmukha lang akong tanga sa kahihintay kc walang dumating na manager at pati yung bisor na kani-kanina lang ay naki epal ay di na rin mahagilap. kaya ang ginawa ko, kinuha ko yung dalawang cart ko dun sa dalawang bager at sabay sabi ng "wala kayong makukuhang tip sa kin kaya bitawan ninyo yang mga pinamili ko mga g*g*!!! ang sa akin lang naman, ok lang kung talagang may ganitong policy pero dapat ipatupad sa lahat ng shoppers at hindi dun sa mapag tripan lang nila. wala namang ganitong policy sa sm hypermarket pasig, sm megamall, sm makati, etc. ano ba ang meron sa taytay na kung kayat pati resibo ay di no double check nila kung tama yung binayaran mo sa cashier? kaya ba nilang gawin ito sa mga taga valle verde sa pasig? mga to? o kahit saang sm na ang market nila ay puro class A? salamat po sa pagbabasa!

  2. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    3,305
    #2
    Kakainis nga pero dahan dahan lang..baka mahighblood ka masyado

  3. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    460
    #3
    Kawawa naman ang mga bagger at Gwardiya namura't naduro ng walang kamalay malay. Mali ka dun bro. Swerte ka hindi ka pinatulan. Hindi sila dapat ang pinagbuntunan mo ng galit. Lagay mo na lang sarili mo dun sa bagger/gwardiya na dinuro't minura mo. Aba baka gumanti ka.

  4. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    195
    #4
    Quote Originally Posted by rst619 View Post
    Kawawa naman ang mga bagger at Gwardiya namura't naduro ng walang kamalay malay. Mali ka dun bro. Swerte ka hindi ka pinatulan. Hindi sila dapat ang pinagbuntunan mo ng galit. Lagay mo na lang sarili mo dun sa bagger/gwardiya na dinuro't minura mo. Aba baka gumanti ka.
    madaling sabihin bro pero mahirap gawin. ilagay mo rin ang sarili mo sa sitwatsyong ganong karaming aberya.

  5. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    460
    #5
    Alin ang mahirap gawin? Pigilan ang pagmumura at panduduro sa mga walang kinalaman? Di ko naman sinabing wala kang karaparatang magalit e. Ilagay mo lang sana sa lugar. anyway, thats just me and thats just you. peace

  6. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    457
    #6
    ang alam ko sa SM tatay hypermart, mga tao dun mahilig mang-apak ng paa. subukan nyo mag-gorcery dun, sigurado puro marka ng sapatos shoes nyo. parang walang pakelam mga tao dun, hindi pa ganun ka-civilized

  7. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    171
    #7
    lolz, okay sa banat tong si koya ringo ah hehe... double.

    ts,
    sana di mo na lang minura koya, tsaka wala naman silang malay e hehe, ginagawa lang nila ang trabaho nila. sayang naman at napagod ka pa, bagger naman sila trabaho nila un e, kahit di mo bigyan ng tip. baka naman kase may kahinahinala sa card mo kaya chineck ulit. baka lang ha...

  8. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    198
    #8
    the innocent duo is just at the wrong place and time...

    temper sometimes eludes patience in human kaya me nadadamay lalo pa kung me mga aberya nga.

    kung ako yung TS hindi ko minura yung 2, but pour some hassle on the supervisor who kept you waiting.. dapat sir pumunta ka ulit sa customer service at pina announce mo yung name nung bisor over the paging system.

    OT question...

    do all establishments in the Phils have this kind of policy of verifying? what if you are using an international credit card issued from a foreign country???

  9. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,455
    #9
    hmmm...ngayon ko lang nalaman na may ganitong policy ang sm hypermart/supermarket.

    to TS...stay COOL.

  10. Join Date
    Nov 2004
    Posts
    141
    #10
    mas maraming check kapag international credit card ang gamit.

Page 1 of 11 12345 ... LastLast
naka ka highblood mag grocery sa sm hypermarket taytay!!!