I was going out of our subdivision towards the service road, T-intersection yun.
What happened was, the car on my left stopped to give way to me. Pasok ako dahan-dahan then biglan may motorcycle na pinilit pa rin umovertake sa mga nasa harap nya galing sa left ko din, harurot sya kaya nung lumabas yung bumper ko todo preno sya pero hagip pa rin.
Punit yung bumper ng accord ko tapos yung driver at sakay nya napahilata sa hood. Ako din nakapreno na ko pagkakitang-pagkakita ko na lumabas yung motor so there was no added injury from my car-- sya lang talaga sumalpok sa bumper.
Pagtayo ng driver ng motorcycle, sinilip nya kaagad yung bumper ko tapos sumama ang mukha, yung parang narealize nya na malaki-laki ang babayaran nya sa damage.
Ako naman lumapit sa kanilang dalawa and asked if they were alright and if they needed a ride to the emergency room. The lady passenger just shook her head, hindi ako pinansin ng rider-- tinayo nya motor nya tapos ininspect for damages.
Next thing I noticed, andami nang nakapalibot sa min tapos yung car sa left ko who gave way to me, aba galit ang mukha at isiniksik lang sa likod ko yung car nya para makadaan... perwisyo sa kanya yung nangyari.
Anyways, I started hearing the usis (cigarette vendor, other riders) shouting, "Wag mo tatanggalin yan! Hintayin mo yung enforcer!" and I had the distinct feeling that they were saying this to the other rider... I was thinking what the f...! Sya nga ang biglang lumitaw dyan e!
The rider who hit me shouted back, "Okay lang, pulis din ako!"
To finish matters, I just told the rider "Ako nang bahala magpaayos ng bumper ko. Ikaw, may problema ka ba sa motor mo? Hindi nyo kailangan magpadala sa ER?"
He paused a minute, then shook his head. I asked, "Yung kasama mo, okay lang?" They stared at each other pero di naman nagsalita.
I said, "Sige, kung wala naman problema ako na lang gagastos pag-ayos nito. Nagmamadali ako e."
I went back to my car then drove off.
I had the distinct feeling na baka baligtarin pa ko pag hinintay ko ang enforcer e... kabaro nya yung rider tapos halos lahat ng nakapaligid na riders pati cigarette vendor kampi sa kanya.