I was just wondering if may unwritten code ba ang mga motorcycle drivers. I was on my way to work yesterday when I noticed na unusually traffic yung isang area. Nakita ko na may banggaan pala doon sa isang u-turn slot na involving a taxi and a motorcycle.

I was heading straight, so nakita ko na nasa sahig pala yun motor nas nabangga. Di na ako masyadong naki-usi sa kanila para tignan on whose fault it really is, pero just a few meters after the accident area, ang daming motorcycles na talagang tumigil at bumababa sa motor nila para puntahan yung accident (siguro mga 10 yung nakita kong nakahinto).

This made me think of the accident that happened to me more than a month ago. May naglokong motor na gumewang sa harap ko so I needed to brake hard and stop, fortunately I did not hit the bike in front, however, may (malamang na) mabilis na motor sa likod ko na hindi umabot sa pag-brake at tinamaan likod ng kotse ko. Lumipad yun driver sa sahig at bagsak motor nya. When I got out of the car, dami ring mga motor na nagsipag-hintuan. Nung malinaw na yung motor ang may kasalanan (kasi kinampihan naman ako ng motor na nasa harap ko na tumigil sa gitna ng kalye) at may traffic enforcer na dumating, nagsi-alisan narin itong mga ibang motor.

I wonder if they have an unwritten code ba kasi pagnagkaka-banggaan feeling nila sila lagi ang agrabyado kasi motor lang sila at naka-kotse tayo. And do they really plan on ganging up on you because of this?