Boy: tinaas ko lang ang paa ko hindi ko sinasadya!
sa una pa lang sinabi na ng BOy na hindi nya sinasadya.. maaring tinamaan nga sasakyan mo pero wala sa kagustuhan nya
and yet
ako: kitang kita ko pinasayad mo eh nananadya ka ata eh
hinusgahan mo na agad..
from this point nag trigger na ung BOY na mag iba ng attitude (ibinibintang mo na hindi naman nya kagustuhan)
next time.. mas mapagmatyag
Yan mga ganyang bata sa CAA ang tipong mag aabang pag walang nakabantay sa auto mo at gagasgasan ng malalim. Doble ingat ka na ngayon nyan.
OT
Nangyari din sakin to sa may bandang sta.cruz manila. May isang chinese na sumipa sa likod ng tsikot ko kaya tinatong ko kung bakit nya ginawa pero hindi kami nagkakainintdihan tapos dinurahan nya yung tsikot ko. Sinapak ko sya ng ilang beses and nung matumba sya ay may mga ibang tao na chinese na dumating. Binibigyan ako ng pera and pinapaalis nila ako. Ang weird ng mga utak nila.
Easy lang TS, diba muay thai ka? diba "Disciplined" dapat ang mga martial artist, cause your body alone is a deadly weapon.. Baka mapatay mopa yan pag nag MT clinch ka. lol
May ganyang tao talaga.. wag mo na lang sitahin kung wala ka naman plano patulan sakaling pumalag siya..
Seriously sana ginulpi mo na si angas boy, wala nang sumbong sumbong sa lolo, after a few exchange of words nilapitan mo then, BAM!!!, roundhouse kick to the ears, pag tumba, saluhin mo ng uppercut, pag angat uli, finishing move, elbow to the chin...pag tumba, lapitan mo, at bulungan ng mo ng YOU LOSE...tapos walk away quietly....sigurado yan legend ka sa street niyo, lahat ng tao idol ka for dispatching a bad guy..mamomroblema nga lang si misis sayo dahil every damn chick would want to have an offspring with you. Hehe
dapat bro hindi mo talaga isinumbong sa lolo mo pero sa kabilang banda ok na rin dahil hindi mo sya pinatulan sa pamamagitan ng pisikal, pero ganun pa man ingat ka pa rin bro dahil baka mamaya pa traydor kung bumanat yan.
naalala ko tuloy yun kapit-bahay namin na may kotse nakaparada palagi sa bangketa minsan na tinambayan at inupuan pa sa gitna ng hood may nagsumbong sa may-ari pinuntahan at binawalan aba nagalit pa yung binawalan di lang yun nagkaroon ng dents ang hood nya dahil inupan nga habang nagdadaldal ng mataas pa ang tono ang boses ang pinagbawalan na tipong naghahamon pa.
wala nang sali-salita ang may ari ng kotse biglang ba nyang bigwasan ng kaliwang kamao sa kaliwang panga ang taong pinagbawalan nya, ayun bulagta ang taong pinagbawalan ng may ari ng kotse, para ba syang nakakita ng estrelyang pito ang kulay habang nakahilata sa kalsada pilit bumabangon pero hindi sya makatayo hanggang sa alalayan na lang sya ng ibang mga nakatambay.
ang may-ari ng kotse maliit lang pero yung binigwasan nya hanggang balikat lang sya.