Results 1 to 10 of 51
Hybrid View
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jun 2010
- Posts
- 354
September 14th, 2011 11:41 PM #1Hello po to all.. share ko lang po ang mga pangyayari saakin kanina..
Bago ako mag parking may isa pong lalake na nakaupo tapos habang umaandar nakita ko sa side mirror may isang lalake na
tinadyakan yung sasakyan namin yung tadyak na pa slide ng tsinelas sa sasakyan. sa harap lang po ito ng bahay namin nangyari. tapos bumaba ako para makausap ko.
ako: bakit mo pinaslide yung paa mo sa sasakyan namin? nakakabastos ka naman.
Boy: tinaas ko lang ang paa ko hindi ko sinasadya!
ako: kitang kita ko pinasayad mo eh nananadya ka ata eh
Boy: may patunay ka ba baka kasuhan kita ng pamimintang(pagalit sinabi).
ako: oo kitang kita ng dalawang mata ko. alam mo bang may side mirror ang sasakyan ayun oh!(sabay turo sa side mirror)
Boy: oo hindi ako tanga. ano palagay mo sakin tanga?(pagalit nanaman)
ako: hindi ako ang nag sabi nyan ikaw nag sabi niyan.
Boy: baka tadyakan ko yang pag mumukha mo(pagalit again!)
ako: tinatanong lang kita ang angas mo! pag nagasgasan mo ba yan kaya mong bayaran o ipagawa?
Boy: tahimik bigla. tapos sabay sabi ulit baka tadyakan ko pag mumukha mo!
ako: sabay uwi sa bahay. sabi ko sa lolo ko tatadyakan daw pag mumukha ko tinatanong ko ng maayos pero napakayabang.(mukhang duwag ang ginawa kong ito pero mas kabisado na kasi nang lolo ko itong saamin kasi dito na siya lumaki at ako sa subdivision)
Lolo: hoy ikaw ang yabang mo ha! baka ako pa sumapok sa pag mumukha mo! kaya mo ba apo ko?
Boy: kung papayagan nyo ho ako eh sige ho!
ako: ang angas mo ha! (ito nalang sinabi ko kasi wala naman ako mapapala pag nakipag suntukan ako sa kanya at baka makulong pa ako) pero pag sinapak ako, sigurado naman na kawawa sakin kasi ang laki ko at 2years ako nag aral ng muaythai at payat siya na adik adik ang itsura.
Lolo: hoy ikaw! ikaw na nga nang gago ikaw pa ang mayabang!
Sumingit bigla asawa ko.
asawa ko: ikaw pa may ganang mag demanda ng pamimintang samantalang ginawa mo naman yon ang kapal ng mukha mo!
Boy: (sabi sa asawa ko) yan kasing asawa mo duling!
ako: tinatanong lang kita bakit sinabi mo na tatadyakan mo mukha ko?
Lolo: umayos ka baka balahan kita sa ulo. hindi mo pa ako kilala masama akong kaaway. magtanong tanong ka muna sa paligid mo bago mo kami banggain dito. tapos sabi saakin i pasok mo na yung sasakyan. pumasok ka na sa loob.
(mukha pong mayabang ang pagkakasabi ng lolo ko pero sinabi niya ito para matapos na ang away.)
sorry po kung mahaba yung story medyo uminit lang ang ulo ko ngayong araw na ito.
alam ko po na mukhang duwag ako at nakakatawa kasi nag tawag pa ako pero para saakin. its better be safe than sorry i have a family. at andito lang ako sa pilipinas para mag bakasyon at mag wowork ulit sa japan. baka hindi pa ako makabalik sa japan pag may kaso pa ako dito sa pilipinas dahil sa mokong na yun!
17years old lang po ako 5.11 height
at siya nasa 20 to 27 ang idad at nasa 5.7 to 5.8 ang height
ano po maipapayo nyo saakin? kung sakaling biglang abangan ako ano po pwede kong ikaso sa kanya o gawin kung sakali?
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2010
- Posts
- 309
September 14th, 2011 11:55 PM #2mga tanong: 17 ka palang at may asawa ka? bakit nakaupo lang yang lalaki sa harap ng bahay mo? medyo magulo mga detalye ng kwento mo. pero nainis rin ako dahil parang walang magawa sa buhay yung kinwento mong lalaki. sana binanatan niyo na dahil tresspassing na rin ginawa niya kung nandyan lang siya sa bahay niyo.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jun 2010
- Posts
- 354
September 14th, 2011 11:59 PM #3
-
September 15th, 2011 12:56 AM #4
Sapakin mo. Upakan. Show him some of our Muay Thai Moves.
Kiddin aside.
Make a way na suntokin ka niya then do your thing. Kiddin again.
Pa-Barangay mo. Reklamo mo. Lahat ng pwedeng ireklamo sa kanya, ireklamo na. Then, suntokin mo na with elbow shot.
-
September 15th, 2011 02:22 AM #5
bilang martial artist, ayos lang iyang ginawa niyong hindi niyo na pinatulan. pero sana hinamon niyo na nang: "Sige kung kaya mo..." tapos pagkatadyak niya (kahit hindi kayo tamaan,) tsaka niyo biglang binigyan ng sample. wala kayong kaso kahit mabalian yung ungasis na iyon kasi siya naman ang nag-provoke from taunting to totting up to the 1st physical contact.
kumbaga, babarilin ka na pero mas mabilis ang kamay mo't may dala ka rin kaya naunahan mo ng isang bala, Self-defense Argument Due to Immanent Danger. but this is not advisable due to obvious reasons. ang point ko lang is, kung makakapatay ka nang dahil sa self-defense at kitang-kita naman ang immanent danger, sa police blotter pa lang, dismissed na ang kaso kaya hindi kayo hihimas ng rehas at walang bearing sa Baranggay/Police/NBI Clearance ang ganitong kaso. :bond:
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jun 2010
- Posts
- 354
September 15th, 2011 02:54 AM #6
-
September 16th, 2011 11:16 AM #7
Seriously sana ginulpi mo na si angas boy, wala nang sumbong sumbong sa lolo, after a few exchange of words nilapitan mo then, BAM!!!, roundhouse kick to the ears, pag tumba, saluhin mo ng uppercut, pag angat uli, finishing move, elbow to the chin...pag tumba, lapitan mo, at bulungan ng mo ng YOU LOSE...tapos walk away quietly....sigurado yan legend ka sa street niyo, lahat ng tao idol ka for dispatching a bad guy..mamomroblema nga lang si misis sayo dahil every damn chick would want to have an offspring with you. Hehe
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2010
- Posts
- 152
September 16th, 2011 01:21 PM #8
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jun 2010
- Posts
- 354
September 16th, 2011 01:53 PM #9
-
Tsikoteer
- Join Date
- Jun 2010
- Posts
- 354
September 16th, 2011 01:55 PM #10
If that's the case, then it isn't cheap. More like a headache down the road, kahit pang coding...
2021 Nissan Leaf