na huli ako ng counter flow along pasay road (kakalabas ko pa lang ng rapide park square - hindi ko alam yung one way na time scheme). pagdating ko sa makati city hall para i redeem, and sabi sa akin nung andun bayaran ko na lang daw yung P2000 tapos hindi na raw i suspend license ko (tutal nagbayad na naman ako). tapos bigla ulit sinabi na sayang yung P2000, i contest ko daw sa MMDA main office.
so ayun, pumunta ako sa MMDA (agahan mo) para mag file ng contest. nag set ng hearing two weeks later. tinatakan rin yun TVR ko ng extension. mga 1 hour ang inabot ko.
pagdating ng hearing date, biglang sumakit ang tyan ko dun. hehe. buti na lang naka raos rin bago ako tawagin. nung tawagin na kami, usap-usap, sabi ko hindi ako familiar sa lugar at madilim - so ayun dinowngrade yung charges to P150 na lang.