last week, habang pa right turn ako ng baclaran galing mcapagal may isang nagmamadali na city. nung una habang nasa edsa ext. pa kami. nung napunta na ako sa right lane bigla na lang bumusina ng malakas, ung talagang naka hold siya sa busina. so ginawa ko hinayaan ko na lang. hinde ko siya nakita sa side mirror ko non, malamang galing sa likod ko nag overtake lang malamang. tapos nung naka right turn na ako sa baclaran, syempre 2 lane lang un kasi may flyover, e trapik non, saka kaka right turn, syempre mabagal pa takbo mo non. aba eto nanaman siya, ang busina niya e ung naka hold talaga. pwede naman siyang bumusina ng pasaltik saltik lang papadaanin ko naman siya kung nagmamadali siya, saka hindi naman siya naka hazard. e di bumusina siya, nung pag tingin ko sa rear mirror ko, aba nag dirty finger. anak ng p**a. e 2 lane lang un, tapos wala naman kasunod na iba. siya lang. ang ginawa ko gumitna ako sa kalsada tapos binagalan ko ng konti. ayun nde siya maka overtake. :naughty: :bwahaha: tawa kami ng tawa ng gf ko. e trapik naman masyado siyang nagmamadali. wala din naman siyang pupuntahan. tapos nung nakalampas na kami sa may flyover saka lang siya naka overtake kasi nag 4 lane na. e na trapik din siya. ginawa ko tinabihan ko, tapos mas nauna pa kami sa kanya. tiningnan ko nga sabay nag babye na lang ako sa kanya. :bwahaha: hindi maka tingin si ugok e. hehehe