oo nga, grabe nasasayang yung tax na binabayaran natin. mas mabuti pa dating freelancer ako, d ako nagbabayad ng tax.. kaso ngayon, employed na kaya diretso kaltas na
kahapon lang nabasa ko sa dyaryo, dinagdagan na naman yung pork barrel ng mga congressman, kesyo naipasa na nila yung tax bills na hinihingi ni glorya at madami na daw nakokolekta sa buwis na yun... kita mo nga naman pagiisip ng mga trapo natin oh.. d man lang nila naisip na ipunin muna yung perang nakolekta pambayad ng mga utang natin o pampondo sa ibang proyekto. sarili agad nila iniisip. kung babasahin mo ang constitution, ang role ng mga congressman at senators ay gumawa ng batas, hindi mag allocate ng pera para sa mga pet projects nila na pa-pogi points lang.