New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 11 to 15 of 15
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,095
    #11
    Quote Originally Posted by samejicon View Post
    Update:

    Dinala po kanina ng mom ko sa auto specialist yung car and found out na yung parts na sinabing pinalitan ni Ryan Tirol ay hindi naman parts ng kotse namin. Puro original pa rin na may sira at inayos lang, kung may pinalitan man dun obviously surplus lang. Yung lumalagutok sa harap, shock mounting daw na sira, un ung original pa rin.

    Sa monday, iiwan ng mom ko yung car dun auto shop na gagawa ulit para pulido na(sana). I forgot the name of the shop but I'll post it here next time pag natanong ko na yung name.

    Moving on, this Ryan Tirol, together with his mom Gina Tirol is making war with us. Pinagpipilitan na kailangan bayaran yung 27k na kulang. From the looks of it, mukhang wala pa ngang 20k ung ginastos nila sa repair ng car namin. Ibig sabihin napakalaki ng binulsa ni Ryan (Php100,000 yung binigay sa kanyang funds). Wala silang maipakitang receipts, and now mukhang nagtatago na sa lungga si Ryan kasi hindi nagpaparamdam o sumasagot sa mga text. Ipapasummon siya sa baranggay to come up with a promissory note na ibabalik niya lahat ng perang niloko niya sa amin at iyon ang gagamitin namin para sa pagpapagawa ulit nung kotse. Paano po pala pag hindi siya sumipot? or kung sumipot man, magmatigas pa din, itanggi ang ginawa niya at hindi na makagawa ng kasulatan? May magagawa pa ba kami? grabe kasi talaga ang nangyari.

    sa mga nagtatanong/magtatanong pa: Insured yung car dati kaya yung money na ginamit ay galing sa nirelease ng standard insurance. Niloloko din nila kami dati sa price at sabing magbayad kami ng 25% ng total damages ng car para gawin daw ng casa. Kaya ayan lumaban kami na ibigay na lang nila ang lahat ng money na kailangan na nasa estimate nila at sa iba namin ipapagawa.

    I would say mahihirapan na kayo makuha ulit yun pera sa kanya..regarding sa insurance I think hinde kayo niloloko, since it's an old car nakasulat po sa policy niyo na meron talaga kayong share sa mga papalitan parts, it's called depreciation kaya bukod doon sa deductable meron rin talagang share kayo sa parts, now I;'m not sure 25% nga for a 4 yr old car...

    kung ako sa inyo dapat hinde muna kayo nagbigay ng P100k doon sa tao. anyways since it's already been done, usap muna kayo sa barangay and but hinde sumipot then sign of guilt na yan, go from there
    Last edited by shadow; November 23rd, 2008 at 11:54 AM.

  2. Join Date
    Sep 2008
    Posts
    1,219
    #12
    pag hindi sumipot sa baranggay pwede na ninyo i akyat sa police at magsampa na kayo ng kaso, di man ninyo makuha ang pera na naibigay na ninyo e sure ako na isusuka nya din yan sa piyansa...

    ipadampot nyo sa police file kayo ng kaso tapos eventually mag pipiyansa sya so in the end napurwisyo din sya...

  3. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    125
    #13
    Saklap ng nangyari sayo, ibig sabihin walang awa yan at gusto lang kumita ng malaki at di na inisip na pare-pareho lang naman natin pinaghihirapan kumita ng pera. anyway, payo ko lang sa susunod bago ka magpagawa magtanong-tanong ka sa mga expert like dito sa tsikot. karamihan dito madami ng experiences kung saan mas ok ang service ng mga shops. kumbaga recommended na talaga at isa pa makakasiguro ka na may permits etc yung pagdadalhan mo. sana maayos nyo yan at malaking pera din ang involve at isa pa ang pinakasakit dyan ay yung niloko kayo. ingat din sa pagmamaneho..

  4. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    763
    #14
    Kung wala ka receipt wala ka proof.

    Sa tingin ko charge it to experience nalang

  5. Join Date
    Nov 2003
    Posts
    183
    #15
    Badtrip yun considering "kaibigan" pa ng mom mo.

    Wag nyo bayaran yung 27t! Don't worry sa threats nila. Kung wala sila receipts, wala sila habol. Baka nga wala pa business permit mga yan, mas sasabit pa sila. Tapos mas malaki pa sa 27t gagastusin nila para makasuhan kayo. So it's not worth it.

    Unfortunately, mahihirapan din kayo habulin 100t nyo for the same reasons...

Page 2 of 2 FirstFirst 12
manloloko pala