good pm tsikooteers, hindi ko alam kung tama pinagpostan ko ng thread pero me situation at me tanong po ako

nagcruicruise ako sa highway around 60kph tapos nakastay lang ako sa lane ko biglang me halos katabi na ako na kotse na nagchange lane ng biglaan (halos tamaan kotse ko iniwas ko lang) sa instinct na pagiwas halos tamaan ko rin yung taxi sa tabi ko so sa bigla at takot nag horn ako ng mahaba dun sa muntik bumunggo sa akin tapos nilampasan ko na. tapos nangyari tinutukan niya ako na parang me nagawa akong mali tinry ko siya iloose kasi nakakailang nagcruise ako around 120kph still tinututukan niya ako so parang ako bahala na, pagliko ko sa pupuntahan ko nag horn rin siya ng ubod ng haba as if galit na galit.

ang tanong ko po dito mali po ba ang reaksyon ko na nagbusina ng mahaba kasi muntik na niya akong mabunggo? mali po ba iyon? kasi sa itsura parang siya nagalit sa akin. kung sakaling ako goon dito pakisabi.